Mataray Ako

Yan lagi ang unang akala sakin ng mga tao. Sanay na rin akong masabihan ng ganyan kapag may naging ka close ako: “Akala ko nung una mataray ka”. Pero pag nakilala na nila ako, hindi naman talaga. Siyempre hindi na ako magbubuhat ng sarili kong banko diba, kilalanin mo nalang ako. Haha :D

Pero hindi yun ang punto ko. Narealize ko lang – mga 2 seconds ago – na totoo ngang may pagkamataray din ako.

1. Pag kilala kita at nagkasalubong tayo, pag hindi ka unang ngumiti sakin or nag-hi, hindi tayo magpapansinan.
2. Hindi ako nagrereply sa GM. Kahit pa naghahanap ka ng kausap.
3. Hindi ako unang magtetext, kahit pa gusto ko ang isang tao. Maliban kung talagang gusto kong mageffort sa kanya.
4. Hindi ako ganon ka friendly at madaldal pag di ko kilala ang kasama ko (malamang).
5. Pag di ko feel ang aura mo, di ko feel. Tapos. Kesa plastikin kita?

Narealize ko lang na minsan lang talaga ako magbigay ng effort sa isang tao, kaya dun ko din narerealize kung gusto ko siya as a friend man or more. Minsan din, nasusuya ako mag effort lalo’t nakikita kong walang balik. Bat ka naman mag-eeffort sa taong hindi consistent sayo?

Oo nga, mataray pala ako.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s