Ang Nagsindi Nitong Ilaw

So far, eto pa lang siguro yung pinaka masaya kong pasko. Dahil kasama namin si mama, at hindi puro thundercats ang ksama namin mag celebrate tulad dati na kain, regalo at tulog lang ang ginagawa ko pag pasko. Tipong ang lungkot talaga dahil dumating sa point na papatayin ko nalang ang ilaw at may drama effect pang kasama. Pero this year naexcite talaga ako sa pagdating niya, maliban pa sa hindi korni ang pasko, naexcite ako lalo dahil kinaumagahan, magkakaalaman na.

Nagsimula yun actually sa pagiinvite sakin ng mama ni Alfred, pumunta daw ako sa pasko. At ayun nga, naisipan kong iinvite na rin siya dahil kung may best time man para ipakilala ko siya, this is it. So ayun, sinundo niya ako sa bahay namin, at nakilala na siya ng mga tao sa bahay. Meron pa ngang dalang cake ang mokong. Yung cake sa Red Ribbon na may picture mo. Pinasadya pa daw niya yun kasi sa ibang Red Ribbon eh sa papel lang piniprint at nakapatong lang sa ibabaw ng cake. So ayun, ayos naman yun cake, masarap din siya at hindi katamisan yung icing kaya gusto ko. Medyo iba nga lang yung chiffon niya dahil kelangan matigas para mabuhat yung picture nga sa ibabaw. Yun nga lang, walang gustong magslice ng muka namin :) So yun. Siyempre, hot seat, tanong dito, tanong dun. Pero hindi rin masyado dahil kumakain nga naman kami nun at may mga bisi-bisita. Comedy pa tong lola ko dahil may Ryan pang binabanggit :) Dumating din ang mga inaanak ko, nagkainan, chika chika, tapos ayun. Tuluyan na kaming umalis dahil may hinahabol ding oras at hindi pa kami nakakapagsimba.

Nakarating kami sa bahay ng papa niya at grabe ang dami ng tao. Mga tito niya at mga lolo nag iinuman sa may tapat nila. Dami ko ngang minanuhan halos di ko na maalala kung ano sila ni Alfred :p Katuwa pa yung ate niya, hinug pa ako. Ang bait talaga. Tapos, nagpunta naman kami sa bahay nila mama niya, kakaiba naman dun. Andun yung family ng mama niya at ninang niya, puro babae naman sila dun at nagiinuman din sa loob. Ang nakakatuwa, edi nagbless ako sa mga tita niya, hindi pa man kami nakakatagal, narinig ko yung tita niyang bumulong sa kanya “gusto ko siya” tapos kinwentuhan na agad ako. Nadamay pa nga yung ex niyang nananahimik eh :p Sabi pa nung tita niya, kung ayaw niya daw sakin, hindi talaga niya ako kakausapin kahit pa andun ako. Ako naman daw ang na hot seat!:) Ayun, sobrang ingay nila at saya, pati ikaw mahahawa. Alam ko na ngayon saan nagmana tong mokong sa ichura man o sa ugali :) Kakatuwa silang kasama. Energy kung energy. Alam mo pa ang nakakabaliw sa lahat? Habang kumakain ako ng carbonara ni Ate Luisa, naiimagine ko nang kasama ko sila sa isang outing somewhere yung tipong close na kami talaga. Eto pa mas nakakagimbal: Naiimagine ko na kung ano magiging ugali ng anak namin at pati mga physical qualities pag pinaghalo ang genes namin. Oh my gas. As in ohmaygas talaga! Siguradong mabubuang ang ina ko kung mabasa man niya to. Pero don’t worry, wala pa akong balak!! Normal lang naman yun e, aminin mo.. Pag nagkakaron ka nga kahit simpleng crush lang naiimagine mo din ang mga bagay-bagay na ganyan!:)

Tapos ayun. After ilang saglit eh umalis na rin kami dahil nga magsisimba pa ako kasama ang aking pamilya. Pero kamusta ang traffic? Bongga uy! Nalate kami kaya deretcho nalang sa simbahan. Kaso namove naman ang simba nila mama kaya ang nangyari nakasama ko siya magsimba sa pasko ng 2011. Ang saya. Ang sarap sa pakiramdam na magkasama kaming icelebrate yung birthday ni Jesus nung gabing yon :)

Dumating sila mama para sa 6pm mass at ayun naghintay kami sa labas ng simbahan. Nagusap at nagkulitan. Hanggang sa dumating na ang oras para maghiwalay dahil deretcho kami sa mall para mamasyal at si Alfred naman ay umuwi na.
Hindi lang mabigyan ng justice ng pagkakwento ko ang tunay na mga detalye ng pangyayari. Pero kung susumahin lahat-lahat, sobra sobra ang saya ko. As in sobrang sobrang sayang umaapaw. Halos maluha na ako sa pagdadasal sa simbahan nun sa pasasalamat ko sa araw na binigay niya.

Umaapaw talaga ang ligaya. Hindi ko nga alam kung alam niya kung gano ako kasaya, pero sana oo alam niya. First time kong magpasko din sa ibang bahay at first time kong magpakilala ng lalaki dito saamin. Hiling ko nga lang para sa new year, mas madami pa kaming magcelebrate sa bahay kasama ang mga tito at tita ko para masaya at tulad last year, umalis ulit ang buong pamilya at mamasyal ng sama-sama :)

At iyan ang pasko ko, ngayong taon ng 2011.
Ilang pasko din akong lumuha, pero shet..

bawing-bawi..:)

In the (far) future siguro mababasa mo to Aped, kaya eto lang masasabi ko: wag ka kumanta dyan.

Reese’s and Kisses,

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s