Mura Lang Ang Bigas

Yung pagtingin mo sa picture niya, mapapailing ka nalang at masasabi mong “tanginang ‘to, mahal ko ‘to eh!”
yan talaga ang nangyari nang buksan ko ang profile niya at mapatingin sa dp niya. Natawa na nga lang ako sa sarili ko eh :) Alam mo yung bigla ka nalang kinilig at natuwa dahil pumasok sa utak mo lahat lahat ng tungkol sa kanya. Pero imbes yung mga kasweetan niya kasiryosohan, mas naalala mo yung mga kalokohan niya, kakulitan, kagaguhan at pati narin yung mga kahinaan niya at parang switch sa utak mo, bigla mong narealize for the first time nang buong buo yung bigat ng nararamdaman mo yung maiisip mong “shit, mahal ko to eh. Itong taong to, tangina mahal ko to eh.” Yung kahit bali-baliktarin pa ang mundo, ano mang kabaliwan niya, kalokohan, katangahan, kagaguhan, kaartehan, kawirduhan at kabastusan tanggap mo. Tipong hindi ka na niya maturn-off kahit pa itry niya? Tipong nagsisimula ka nang magselos talaga kapag may (magandang) nag aadd sa kaniya sa facebook or nagwoworry ka pag may kausap siyang ibang babae. Kahit pa alam mong napaka childish nun, hindi mo parin maiwasan. Inieasy-easy ko lang ang bawat araw na dumadaan, hindi ko namamalayan na lumalalim na pala ang nararamdamn ko :) At ang sarap sarap sa pakiramdam na alam mo lang na andiyan siya para sayo, kahit anong mangyari. Na may nagmamahal sayo at handa kang saluhin at saluhan ano man, kelan man at saan man.

Pero grabe talaga e, siraulo tong mokong na to!
Mahal ko to eh.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s