Bugum Bugum!

Nagrecord lang ako ng kanta nung isang araw – Smile by Nat King Cole, di ko akalaing ako din pala ang gagamit ngayong araw :)

Wala. Malungkot lang naman ako e. Masama ba makamiss sa isang tao?
Pero ayun nga, iisa lang naman ang ending e.

Wala.
Akong.
Karapatan.
Mag.
Demand.

Pero ayos lang, wala lang naman sakin kung di kami makapagusap buong araw dahil mahirap mag-unli. Tulad nga ng sabi ko, nagppraktis na akong maging better na girlfriend in the future. Hindi yung masyadong paranoid dahil ulo ko lang din naman ang sumasakit kakaisip. Pero hindi ko ata nagawa yun ngayon dahil yung utak ko pilit parin nakabuo ng mga worst case scenario. Pero nadistract ko naman ang isip ko (not really). Tapos kakapakinig ko pa sa podcast ni Mo tungkol sa mga tarantadong kalalakihan e lalong ginatungan ang mapaglaro kong utak. Pero I think hindi naman improvement ang nangyari, kundi hindi lang talaga ako maka-apila. Pero isa lang ang sigurado ko, apektado talaga ako sa kanya at malaking pagbabago sa mood ko kapag namimiss ko siya. Ang bilis kong mapunta sa good mood to bad mood to badtrip to doesn’t-give-a-fuck state.
This time, nagmessage si mokong sa facebook ko at nagpost sa wall ko tapos naflush lahat ng inis ko at pagkamiss. Di ko alam if it’s a bad thing or a good thing na ganon niya kabilis madiktahan ang emosyon ko.
Pero come to think of it, hindi lang naman ako ang hindi siya nakausap, siya din naman hindi ako nakausap all day. Siguro ang reason lang talaga ng pagiinarte ko sa mga oras na ito ay yung hindi ko alam kung ganito din ba ang epekto nito sa kanya, or wala lang sa kanya. Tipong walang pagkakaiba. Hindi kawalan. Yung ganon? Ayun. Ahahayy. Utak ko talaga oh. Hindi ba ako makuntento? Wala pa lang talaga akong tiwala? or Masyado lang talaga akong paranoid? or Hindi lang talaga siya consistent kaya lagi akong worried? Ah. Baka hindi lang talaga ako totally confident sa nararamdaman niya para sakin kaya ako nagkakaganito. Tipong anytime pwede magbago ang isip niya. Diba?

Sa ibang ulo ng mga balita:
Hindi ko pa rin alam ang ireregalo ko kay mama.

Payagan sana ako umalis bukas.

O sya, Adios.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s