Endangered Specie

Naniniwala ka ba sa kasabihan na:
“There is a man out there who can love you like a girl can”?

Yun ang sabi sa nabasa ko. At simula nang nakita ko yun last year, hinintay ko na kung makakakita nga ako ng ganun. Madami na rin akong nakilalang lalaking sweet, maalaga, maaalalahanin at sadyang vocal pero hindi ko pa rin masasabing sakto sila dun sa quote. Hanggang sa naisip kong siguro nga, kathang isip lang yun o sadyang swertihan. Hanggang sa tuluyan na tong nawala sa isip ko. At bakit naalala ko siya ulit ngayon? Dahil parang isang bulalakaw na swertihan lang na nakita mo pagkatingala mo, ay dumaan din siya nang di ko inaasahan. Dun pa sa mga panahong hindi ko naman siya hinahanap.

At oo, naniniwala na ako ngayon sa kasabihan na yun. Isa siyang halimbawa ng lalaking parang babae magmahal. Baka kaya ako attracted sa kaniya? CHOS.
Pero siryoso. Sa pagiging mushy, sweet at dramatic niya, kinabog niya ako. Kaya kilig na kilig si gaga (ako yun) kapag nagsisiryoso na si mokong. Tipong dama mo talaga yung sinasabi niya. O magaling lang mangbola? BIRO. Pero totoo. Ako tong babae, ako pa ang natatameme sa kanya. Siya pa yung tipong pag naglambing sayo kita mo sa mata niya, boses niya, pati facial expressions dalang dala. Bihasang bihasa mambola ☺
Pero totoo. Nakakatuwa siya. Akala mo sa unang tingin maangas at mahangin. Pero pag nagsalita na, sobrang bait. At pag naramdaman niya, talagang sinasabi niya. Hindi pa-macho effect tulad ng iba.
At dun ko nga narealize na meron diyan kahit isa man lang na nageexist. Kaya girls, ingatan niyo sila habang endangered species pa lang nang hindi magaya sa mga dinosaurs – extinct ☺

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s