Warning

Pupunta dapat ako ngayon sa isang ospital sa QC para magpagawa ng uniform. Sa kasamaang palad wala yung gagawa at sa Friday pa daw siya available. Nagdadalawang isip pa rin ako ospital na ito, mukang masamang senyales. Sabi ko kasi noon, kahit saan man e kakagatin ko na, kaso iniisip ko palang ang 2 oras kong byahe sa loob ng apat ba buwan e mukang sablay na agad sa panlasa. Isa pa, gusto ko talaga tulungan si mama sa itatayo niyang business dahil masaya yun. Bakit ba hindi nalang ako nag business course sa La Salle? Chos. Pero bat nga ba hindi yun ang kinuha kong kurso?

Anyway.

Alis ako mamaya upang magtungo sa isang mall at manood ng palabas nila Budoy at Sarah. Ansaveh?!
Bihira lang ako manood ng tagalog movie sa sinehan. Pero diko alintana yun, kasama ko siya e. Bat ba?

Kahapon nagkatampuhan kami. Di pala, ako lang pala ang nagtampo. Feeling gf ampotek. Kasi naman, late receive dw siya. E di naman din mahalaga yun, kasi kung late man siya makareceive eh kung gusto niya magtxt, makaktxt siya. Pero siyempre nung nakausap ko na siya, dinrop ko na yung issue kasi una, wala ako karapatan maginaso sa kanya dahil kahit nga di nya responsibilidad eh ginagawa niya na skin e, pangalawa ayoko pang magtalo pa kami at sayangin ang fone call sa pagpapaliwanagan. Andito na nga kasi si mama at bihira nalang kami makapagusap sa fone. Yun pa, text na nga lang ang komunikasyon namin, d pa sya magtext jan. TSE! Inarte nanaman ako ng wala sa lugar. Miss ko na siya, yun lang yun.

Nagusap kami ni mama kagabi, natatawa ako kasi naaalala niya daw yung tatay ko kay JP. NOT a good sign. Natatawa lang ako kasi naalala ko din yung tatay ko (ayon sa mga kwento ni mama) kay JP noon pa. Isa ba itong senyales? Anyway, isang malaking warning sign na talaga ang nakapaskil sa utak ko. At sobrang ingat to the maximum level na ito. Hindi ko uulutin ang mga bagay na nagyari sa mama ko at dun sa taong yun (ampait?). Hindi dahil sa nakakahiya, pero dahil sa madami pa akong pangarap para sa pamilya ko. Ibabalik ko muna ang lahat sa kanila bago ko siryosohin ang mga bagay bagay.

Ayun na.
Tama na ang pagpapalipas oras, pupunta na ako sa Pedro Gil pra magrenew ng PNA card.

Gusto mo ng chocolates?

Reese’s and Kisses,

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s