Uplate

Ang sarap mag blog gamit ang cellphone, tulad kagabi. Nasasabi ko ang laman ng utak ko on the spot ☺
Anyway, update. Kagabi after ko magpost ng isang rant ay pinilit kong matulog. Siguro mag 11pm na e paikot-ikot pa rin ako sa kama, at naalala ko na hindi nga pala ako kumain ng dinner. Bumangon ako at bumaba para kumain.
Umakyat ako ulit at naupo doon sa kabilang bahay. Yung bahay namin sa kabila, ginagawa yun kaya puro siya kahoy-kahoy, semento, hollow-blocks at wala siyang bubong. Naupo ako sa isang tabi, at habang kumakain ng paborito kong jellyace – lychee flavor na may nata de coco – nakatingala ako sa langit at nakatingin sa mga bituin. Iniisip ko kung ano kaya ang pakiramdam kung katabi ko siya nung mga oras na iyon. Iniisip ko kung bakit sa dami ng constellation e Orion’s belt lang ang alam ko. Belt lang yun ah, di ko pa nga alam asaan yung ulo e. Matapos kong magnilay-nilay at pakalmahin ang nagdadabog kong puso, pumasok ako sa kwarto. At pag akyat ko sa kama ay mayroong limang missed calls, 2 minutes ago. Nung nagiinarte ako sa labas tumatawag na pala siya. Naisip ko, e bakit ngayon ka tumatawag at hindi kaninang matutulog na ako. Pero kinuha ko parin ang headset ko. Makalipas ang ilang minuto ay nagtext siya, magrereply na sana ako kaso biglang nag ring ulit.
Sinabi ko sa kanya na hindi pa rin ako natutulog. Bakit daw hindi ako nagtetext, dati naman daw nagtetext ako pag di ako makatulog. Sabi ko, ayokong istorbohin siya, at ayokong umasa lagi sa kanya kasi nasasanay na ako at hindi na ako makatulog pag hindi siya tumatawag – at masakit yung puso ko at ayoko nang i-open pa sa kanya yung mga rason dahil nonesense naman. Pero siyempre di ko na sinabi yun. – Sabi ko na hindi ka pa natutulog eh. Naramdaman niya daw. Kasi after niya mawrongsent, maya-maya naggoodnight na ako. Sabi nya alam daw niya nasaktan ako kasi kung ako man daw ang makareceive nun kahit pa sabihing wala siyang karapatan, masasaktan pa rin siya. Pero wala din siyang magagawa. Kaya alam niya daw ang naramdaman ko. Naisip ko, alam mo naman pala eh! Pero natutuwa pa rin ako dahil hindi naman pala siya insensitive at at the same time, naiiyak ako dahil sapul na sapul yung sinabi niya sa totoong nararamdaman ko. Yun nga lang, humaba pa ang sakit ko sa ulo dahil akala ko wala lang sa kanya, at siya naman hinayaan na lang ako matulog kahit alam niya. Kaya ayun.
Iniba ko na rin ang usapan dahil ayokong matulog kami ng malungkot, okay naman na ako nun. Walang humpay ang paglalambing niya na miss na daw niya ako. Napunta na sa ibang bagay ang usapan namin at hanggang sa tuluyan na nga kaming nag goodnight sa isa’t isa. At natulog ng tahimik. At maayos na naman ang lahat sa mundong ibabaw.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s