Yung totoo, bakit ba nakakatakot umibig?

Kasi lahat tayo alam na ang ending. Lalo na doon sa mga taong naranasan nang umibig noon. Kaya napakalaking katapangan ang panandaliang kalimutan ang katapusan at ienjoy nalang ang mga simpleng kasiyahan na dulot ng pag-ibig.

Simpleng kasiyahan. Ano nga ba ito? Ito yung mga bagay-bagay na nageexist, madalas sa mundo lang ng mga umiibig:

1. Goodmorning texts and Night calls. Kahit gasgas na ang “gusto ko lng marinig ang boses mo” masarap parin sa damdamin na ikaw ang una at huling taong gusto niyang marinig sa araw niya.

2. Nagpapaalala sayong magpunas ng pawis at magpahinga. Natural mo namang gagawin ang mga yan kahit walang magpaalala, pero nakakatuwa parin na may concerned din pala sa pawis mo.

3. May nagagalit sayo pg di ka kumakain. Wala lang naman sayo yun, e dka pa gutom eh. Pero dahil natutuwa ka sa lambing niyang kumain ka sa oras, kakain ka para sa kanya.

4. Pag nag CR ka sa mall, pag labas mo may nagaantay sayo. Kasi pag labas mo ng cr may pila ng mga kalalakihan dun lagi na parang nagaabang ng artistang lalabas. Ngayon, isa dun ikaw na ang hinihintay. Taraaayy!

5. May rason kana para magload. Sa wakas hindi na puro GM ang gawa mo at hindi puro text sa mga kabarkada mong napakasisipag magreply!

6. Yung may ka HHWW ka. Holding hands while walking – pa sway-sway pa. Yung feeling na hawak kamay niyong sinusuong ang agos ng tao at buhay saan man kayo mapunta. Chusera, ang daming alam, naglalakad lang naman sa mall.

7. Yung pagbaba mo ng jeep may aalalay sayo. Hindi ka naman matanda, hindi ka din lumpo. Pero feeling prinsesa kang naka high-heels at gown na may isang metrong trail kung makahawak ka. Di ka naman tutumba.

8. Yung may nakaalalay sayo pag tatawid ka. Yung lilipat sa kabilang side pag andun yung mga sasakyan. Yung ginagawa kang mangmang sa pagtawid at kala mo lagi kang suicidal na tatalon sa rumaragasang trapiko. Pero sweet. Diba?

9. Yung may kasama kang magplano ng mga bagay-bagay. Totoo niyo mang gagawin o hindi (pa). Yung may kasama kang umalis kahit pa kumain lang ng kwek-kwek sa kanto. Yung tipong hindi laging kapatid mo, kaibigan, o anino mo ang kasama mo sa sinehan. Yun bang ngayon, meron ka nang partner in crime.

10. At syempre, ngayon, meron ka nang mapaglalabasan. Yung pag gabi at hirap na hirap ka na, paikot-ikot at hindi ka makatulog. Merong tatawag sayo at pipilitin kang pagkwentuhin, paiyakin at pagkatapos ay patawanin, mailabas mo lang ang problema mo. Yung kahit anong mangyari, alam mong may karamay ka at may sasalo sayo sa panahon ng kahinaan mo.

At yan, yan ang mga simpleng kakatuwang bagay na ma-mimiss mo kapag inisip mo pa kung bakit nakakatakot umibig.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s