Usap Tayo

Bakit ba ako tinotopak? Bat ako nssktan pag sinasabi niyang kaibigan nya ako or wala syang girlfriend? Umpisang umpisa palang naman alam na namin pareho ang pinasok namin eh. Sabi niya dati, kung ano man nararamdaman ko sa mga bagay-bagay nararamdaman niya din. Ibig sabihin ba nun, nssktan din siya pag pinapakilala ko siya bilang kaibigan at sinasabi kong single ako? Hay. Yun lang medyo sablay ano? Pag wala kayong status ang hirap malaman kung saan yung linya. Pag wala kayong status, wala kayong pinanghahawakang kahit ano. Tapos, eto nagkakasakitan kahit di naman sinasadya.
Tapos eto tinotopak ako at pinatay ko ang phone ko at eto wala pang 10 nag goodnight na ako. Hayy.
Hindi naman sa pinagdududahan ko prin siya, obvious naman e. Dama ko naman ang sinasabi niya. Pero dun sa part na baka isa lang ako sa mga babae niyang dumadaan lang. Yun lang ako hindi sigurado. Kasi pwede ka naman magmahal ng totoo eh diba? Pero pwede ding mawala yun anytime, kahit gaano pa yun katotoo. Ang tingin ko sa kanya, pakalaglag siya mafall. Matindi magmahal. Pero ang di ko sure, gaano siya kabilis magsawa. Tulad ba siya ng ibang mga lalaki? Na nachachallenge lang? Na pag nakuha na niya yung puso mo wala ng challenge, tapos na? Pero infairness naman sa kanya, andyan parin siya ngayon. Actually hinihintay ko nga lang syang umalis eh. Tuwing sinasabi niyang hihintayin niya ako, snsbe ko sa kanya mapapagod din siya. Yun naman sinabi nila saking lahat eh, “maghihintay ako”, “mahal kita”, “iba ka”. So paano ako magtitiwala pa? Anong pinagkaiba niya sa kanila? Maliban sa mahal ko na din siya? Ano pa?
Bakit ba ako nagtampo sa isang wrongsent na text na ngsasabing wala siyang gf? Kung ako man tanungin ganun din naman isasagot ko. Wala naman ako karapatan magalit, tulad nga ng sabi ko sa kanya libre pa nga siyang makipagdate kahit kanino.
Siguro ang masakit lang eh yung part na iba ang single sa available. At naramdaman ko sa text na available siya. Kahit pa sabi niya bading daw na schoolmate na nangungulit lang.
Di pa siguro sapat ang pagkakataon para pagkatiwalaan ko siya ng lubos. Yun na, lumabas din. Dko pa siya mapagkatiwalaan ng lubos. Di pa naman siya nagsisinungaling sakin, pero mahirap lang tlga kunin ang tiwala ko.
Tapos eto, pano pa pag pumasok na ulit siya? Kaya ko ba yun?
Layo ng iniisp ko e June pa yun!:) Pero diba…
Tokwa naman kase. Eto hirap sa gwapo e.
Oo. Eto, eto ang dahilan kung bakit gusto ko manatiling single. Masakit sa uloooooo!
Naranasan ko na kasi ang maagawan. Tangina kase, pano kung gago ulit to at magpaagaw? Pano nanaman yung puso kong pinakaiingatan? Nganga nanaman? Wala akong paki kung magsisi din siya sa huli tulad nung ex ko. Ang punto ko, paano na yung puso kong mahina? Hay. Sugal kung sugal?
Hay takte, manliligaw ko palang pinoproblema ko na agad siya.
No boypren no problem.

Sarap matulog.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s