Agos ng Ilog

Yung totoo, ako’y nagugulat at namamangha sa mga pangyayari. Sabi nga nung quote “When was the last time you did something for the first time?” Ang maisasagot ko jan ay “tuwing kasama ko siya simula nung nakilala ko siya
Sa sobrang bilis ng lovestory namin, di ako magugulat kung di pa nagiging kami, e magbreak na kami agad. Lagpas na kami ng araw, linggo, at ngayon lagpas na kaming magkakilala ng isang buwan. Oo, isang buwan pa lang at unti-unti pa lang namin nakikilala ang isa’t isa pero kung aakalain mo, kami na at kami na ng ilang buwan.
Hindi ko alam kung maganda ba yun o pangit sa isang relasyon (Kahit wala kaming relasyon) at hindi ko pa nasusubukan. Ngayon palang ako nagmahal ng ganito kabilis. Mali, erase. Siguro nagmahal na ako ng ganito kabilis noon, oo tama. Pero hindi ako gumawa ng move para dito. Siguro ang naiba lang sa ngayon ay sa sobrang expressive at showy nya eh nawala ang takot kong mahulog din ng tuluyan at ipakita sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.

Marami-rami na rin akong natutunan sa kanya. At ang naiisip ko lang na rason ngayon kung bakit ba ako naging kampante sa sitwasyon namin ngayon ay ang realisasyon na kung may tao o bagay na nagpapasaya sayo, bakit mo pa idedelay? Bakit ka pa maghihintay ng linggo, buwan, taon o taning ng buhay para pasiyahin mo ang sarili mo?
Natuwa talaga yung puso ko nung araw na tinext nya sakin na “kayanin natin ha?”
Di ko alam kung ano yung mas nakakatuwa, yung marinig galing sa kanya yung salitang “natin” or yung fact na ngayon alam ko nang gusto niya talagang ipaglaban namin o yung fact na magkasama kami dito at sabay naming kakayanin. Siguro lahat nang yun.

Hindi ako nagdududa sa nararamdaman niya. May nabasa akong quote dati. Sabi “There’s a man out there that can love you like a woman”  Siya na ata yun. Bukod sa mas vain sya sakin (totoo!:p), mas expressive siya at talagang vocal. Ako tong blogger, ako tong mahilig magsulat, pero pag magkasama kami at magkausap, natatameme ako sa kanya. Kala mo din pag tinignan mo astigin, pero pag nakilala mo, mushy. Malambing, sobrang sweet at thoughtful. Kalog at sobrang kwela. Madaldal, makwento, at brutally honest.
Tamang timpla talaga.
In short – san ka pa?

Pero sa lahat ng iyan, tulad nga ng sabi ko, ngayon lang ako natakot magmahal ng ganito. At bawat araw na lumilipas, minamahal ko siya. At bawat araw na lumilipas, nadadagdagan yung takot sa puso ko dahil anytime pwede niya akong iwan for someone better. What if bigla niyang maisipang hindi pala ako yung gusto niya? What if biglang marealize niyang crush niya lang pala talaga ako at hindi mahal? What if may hangover pa talaga siya sa ex niya na one year niya nakasama? I guess. Yun talaga yung takot ko.
Na baka, gusto niya lang magpagaling. Na napipilitan lang siya or nagppretend.
Nararamdaman ko naman sa puso ko yung sinasabi niya eh.
I guess, mahirap lang talaga paniwalaan dahil masyadong too good to be true siya. TAO KA BA?
:)

Ano nga ba ang conclusion ko tungkol samin?
Well, sa ngayon, sabay lang sa agos. Ang alam ko lang masaya kami pag magkasama at malungkot pag hindi. Namimiss ko siya sa lahat ng oras at gusto ko lagi siyang masaya, gusto ko siyang alagaan at ayoko siyang mawala.
Sa ngayon, pinagaaralan ko pa kung paano maging girlfriend, dahil pag dumating yung time na maging kami – if ever, gusto kong maging better from my old self. I guess, depende na rin yun sa magiging boyfriend ko.
So ano na nga ba ang conclusion ko tungkol samin?
Tuloy lang.
” Gawin hanggang sa makakaya. Hindi naman yan ibibigay kung di kaya eh.” -JAS



Nagmamahal,

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s