Daanan, wag tambayan.

Kasi ganito yan. Never ako nagdasal kay Lord na sana ibigay niya sakin ang isang taong gusto ko, lagi ko lang dasal na sana kung sakin na, tuloy-tuloy lang at kung hindi naman ay mabuksan ang puso’t isip namin pareho at huwag masaktan ng husto. Alam ko naman kasi na sya naman ang nakakaalam eh. At may tiwala ako sa mga plano niya. Pero alam mo yung simpleng hiling ka nalang na
“Hayy, sana ginawa ka nalang para sakin ano? Pero kung hindi man, Lord peram muna!” ☺


Pero hindi yun ang nais kong ikwento.

Bakit nga ba ganon ang earth? Hindi naman flat pero sablay ang ikot.
Kelan pa ba naging mas matimbang ang taong may pera, propesyon o posisyon
Sa taong may takot sa diyos?
Sa taong may respeto sa kapwa?
Sa taong may pagmamahal sa pamilya?
Sa taong mabuti ang kalooban?
Sa taong malawak ang pang-unawa?
O simplehan nalang natin,
Sa taong nagpapasaya na lang sakin?

Pag tinignan ko, masya naman ang pamilya namin. May takot sa diyos, may respeto at nirerespeto, mapagmahal, mabuti, maunawain, wirdo at kalog.
Wala naman saming mayaman, o propesyonal.
Pero lahat naman ay masaya sa kani-kanilang sariling buhay. Namumuhay ng simple at sapat at kumakain (higit pa) sa tatlong beses isang araw. Higit sa lahat, masaya.

Responsable naman ako. Hindi pa ako nagdadala ng problema o kahihiyan o sakit ng ulo sa bahay namin. Maunawain at malawak ang pangunawa. Nagtapos naman ako sa oras. Pumasa. Nagahahanap ng trabaho. At pinipilit maging mabuting tao.

Pero bat ganon?

Naiintindihan ko, oo. Pero ansakit na hindi mo mai-share sa mga taong mahal mo yung bagay (bagay talaga?) na nagpapasaya sayo. Hindi mo maipakilala yung taong nabibigay ngiti sa labi mo. Hindi mo magawang dalhin man lamang siya sa inyo. At higit sa lahat, hindi mo maiparamdam sa kanya yung sarap ng warm welcome na libreng pinadama sayo ng pamilya niya

At sa araw kong puno ng tuwa at sa puso kong puno ng pagmamahal, nang naisip ko ang mga bagay-bagay na yan, dun lang ako nalungkot.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s