Tips bago ka magsinungaling sa minamahal mo:

Eto siryosong usapan na.
Since parehas naman sinungaling ang babae at lalake (mas), iggeneralize ko nalang ito.
Basahin mo at magisip ka.

1. Matagal makuha ang tiwala. Hindi yan basta-basta nakakamit ng isang araw, isang linggo o isang buwan lang, at isa yan sa mga bagay sa mundo na hindi na naibabalik pa kapag nagkalamat na – gumamit ka man ng Superglue.

2. Kahit sabihin pang unti-unti mo ulit pag hirapan na maibalik ang tiwala, nakabaon na jan ang duda. Bawat kilos mo, bawat sabihin mo at lahat ng ipangako mo, lahat yan may pag dududa na. Kahit mag Teach Me How To Dougie ka pa sa gitna ng Edsa para mapaniwala lang siya, may duda na yan, maniwala ka.

3. Kahit anong tago mo sa isang kasinungalingan, darating at darating ang araw na malalaman niya yan. Maaring madulas ka, o matalisod yung ibang nakakaalam ng kasinungalingan mo o madapa yung taong mahal mo at tumambad mismo sa harap niya ang tinatago mo. Hayaan mo mang malaman niya pa sa iba, o ikaw na mismo ang umamin, ano man piliin mo, deds ka parin.

4. Walang malaki o maliit na kasinungalingan. Walang ring exception. Lying by omission, white lie, red lie, green lie, yellow lie, biguerlai, iisa lang yan, kasinungalingan yan. Sinabi mo mang hindi na kayo nguusap ng ex mo pero simpleng landian parin pala kayo, o kahit simpleng sinabi mong nag log-out ka na sa chatroom at matutulog ka na pero hindi pa pala. Kahit simpleng bagay na wala namang masama tulad ng kunwari tulog ka pero nagbasketball ka pala o wala kang load nag ttumblr ka lang pala. Lahat yan, counted.

5. Once nahuli ka, lahat ng sinabi mo kahit pa noon pa yang sinusuyo mo palang siya, lahat yan damay. Lahat yan tatakbo sa utak niya at iisipin niya kung kailan kaya sa mga oras na yun totoo ang sinasabi mo. Mauungkat lahat ng nakaraang pangyayari. Sa lahat ng sinabi mo, kelan ka kaya nagsinungaling? Nagsabi ka kaya ng totoo ni minsan? Minahal mo man lang ba ako? Tutal wala na akong tiwala sayo, magbreak nalang kaya tayo?

AT pinakamatindi sa lahat, dalawa lang ang kakalabasan niyan.
Una, maliban sa magduda sa bawat sinasabi mo, maghihigpit na siya sayo. San ka pupunta? Sinong kasama mo? Anong oras ka uuwi? Yung totoo? Tawagan mo ko pag-uwi mo. Hindi, tawagan mo ko gamit landline nyo. Nag-out ka na mahal? Tara tulog na tayo. Wala ka na talga sa internet? Bat may bagong post ka sa tumblr? Weh di nga? Bat nung isang araw umaga lang nagpopost yung queue mo?
Pangalawa, Wala na siyang tiwala sayo totally kaya’t wala na siyang gana pang pasakitin ang ulo niya kakaisip. Hindi na yan magtatanong o manguusisa dahil nakadikit na sa utak niyang maaring hindi ka rin naman magsabi ng totoo kaya’t para saan pa. At alam mo na kung saan patungo ang kwentong iyan.

Ngayong malinaw na ang lahat sayo, tanungin kita, handa ka bang itaya ang lahat ng iyan para sa iisang bagay na gusto mong itago? Worth it naman ba na ilihim mo yan para sa iningat-ingatan mong tiwala simula pa noong una?
Malaya ka nang magdesisyon. Wag mo lang sabihing hind kita pinaalalahanan dahil baka batuhin pa kita ng pandesal jan.

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s