Field Trip ng Buhay Mo

Pag may field trip, mas makakatipid siguro ang lahat kung bus nalang ang rentahan ng school at magpaikot-ikot nalang sila sa kamaynilaan buong araw. Yun lang naman ang masaya dun e, yung nasa bus kayo. Diba?

Siguro yun ang simpleng halimbawa ng kasabihang

“It’s the journey and not the destination” Oo nga, excited ka saan man papunta ang buhay mo at sa mga pangarap mong isa-isa mong tinutupad pero kung dadaanan mo lang ang lahat ng bagay papunta dun, hindi ka magiging masaya pagkarating mo dun. Pag lingon mo ulit, matanda ka na at wala ka nang oras, lakas o kahit pa kasama para pumunta sa Central at magpakalasing, para mag biglaang lakad papuntang Tagaytay, para maghatak ng kabarkada at mag hotspring bukas sa Laguna. Lumagpas na ang pagkakataong magpakakilig at tanga sa pag-ibig, wala ka nang time magpakaisip bata at gumawa ng maraming maling desisyon. Hindi mo na edad yung magsuot ng cute at sexy-sexyhan na damit o pumorma na kala mo may paparazzi na nakasunod sayo. Wala ka nang karapatan na magtamadtamaran at mag movie marathon hanggang kelan mo gusto. Kung hindi mo maeenjoy ang edad mo ngayon lilipas yan at bukas hindi ka na ganyan kabata ulit.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s