Heart Activation Confirmed

So confirmed na nga.
Sabi ko sa sarili ko, kailngan ko lang siya makasama at makausap at makita para malaman ko kung totoo na nga.

Last time, nagkita kami sa Robinsons, sa harap pa nga ng Tribal yun eh, tapos nung nakita ko siya, safe na ba banggitin ang pangalan niya? wag muna, JP parin. Ayun, naglalakad ako papunta sa kanya, pero siyempre kinakabahan ako. Sa dami ng gusto makipagkita sakin noon, ngayon lang ako pumayag. At nung binaba na namin yung phone dahil tumawag siya para malaman kung asan na ako banda, pag lingon ko sa likod ko, boom! Andun sya oh. Di ko malaman kung pano ako ngingiti :) Ansaya saya kaya! Tapos siya din tuwang tuwa. Tapos hinampas ko nga daw siya eh, diko lang maalala :D
Tapos naglakad, nagusap, kumain kami. Actually pinilt niya ako kumain. Ayoko nga sana kasi magkikita kita din kami ng mga kaibigan ko later that day. E pinilit niya ako, so pinilit ko din siya :) Kaso siya, pangatlong beses na nyang kakain nun. Busog na busog na siya! Ahaha :) Pero kumain pa rin :) Ansya ko lang, andaming smiley sa blog post ko?

Tapos kanina, nagkita kami ulit. Pano yung bulok kong school e sabi sa website nila enrollment daw today, kaya natuwa naman ako dahil bukas pa kahit Oct. 31! Eh hindi naman pala. Bwiset?
Kaya nun tumawag siya, nasa Rob na ako nun, maglalakbay lang sana ako. Tapos sinamahan niya ako :D
Tuwa ko lang oh?:D
Ayun. Lunch kami, tapos nagusap, naglakad.
Everyday may bago akong nalalaman sa kanya :) Ako kaya, may nalalaman ba siya sakin? Masyado ba ako matago?

Nag ssoundtrip ako ngayon, at natatawa ako dahil pinakikinggan ko eh yung mga trip nyang kanta. As in yung mga tipong “I Love You More Than You’ll Ever Know”. Miss ko na siya.

Kasi yes, nakaramdam ako noon kay Suitor #1 pero iba toh eh. Siguro nga totoo yung quote na sinend niya once

How would you ever know if you are already in love with someone? How would you distinguish a strong attraction from love? Sometimes it gets so confusing that you get to intertwine the two. That’s the reason why we are afraid to risk, fearful to make a mistake. Scared to regret in the end.
But the moment that person walks out of your life, you’ll realize that indeed, there is a difference.

At yes, meron ngang difference. Alam mo yung feeling ng pagmamahal na buhay?
Tipong it’s like a living, breathing thing.

Ewan ko lang. Baka ganito lang kasi ako pag inlove, lahat may kulay at may kalaliman.

Wala na, mahal ko na siya e.
He’s my miracle.
Tipong bumuhay sa natutulog kong puso effect.
Dati pa kasi ako naghahanap nung taong, muling magbibigay sa akin ng rason para mahulog ng walang harness. Tipong pakatihulog sa bangin. Sarap lang eh.
At binigay na nga siya sakin.
Lam ko naman ang limitasyon at kahit pa sabihin nating think positive, kelangn prepared parin tayo sa mangyayari. Tipong hope for the best but expect the worst. Kaya somehow, ready na ako sa mangyayari ( I doubt it). Pero anu’t ano man, ninanamnam ko lang ang bawat oras namin. Tipong sinusulit talaga para pag dumating ang araw at lumingon ako sa mga pangyayari, ngingitian ko lang. Kasi hindi ko sinayang e :)

Pero totoo. Tinamaan na ako.

So confirmed na nga.

Ako si khulet na mabait,

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s