Ang Bayong

Sabi ng kapatid ko habang kami’y naguumagahan at nagkukwentuhan kanina
“Ikaw kasi, nag hhold-back ka eh. Eh ano kung masaktan ka? Magsusurvive ka naman ulit diba?”
Nitong nakaraan, ang dami nang nagsasabi sa akin niyan. At si puso, alam naman yan! Ganyan din ang kay tagal ko nang pinaniniwalaan. Yung pag nagmahal ka, hayaan mo ang sarili mo na mahulog. Kaso si utak, iba ang trip. Syempre andaming factors na kinoconsider pa niyan. Eto ah. Ipapakilala ko na siya sa inyo.
Itago nalang natin ang taong nagbibigay kulay sa aking mga post nitong mga nakaraan araw bilang “JP”.

Saan ba kasi ako magsisimula.
Si JP, crush ko yun. Hindi tipong patay-na-patay-sort-of-crush. Tipong napadaan-sa-facebook-ko-crush lang. Simpleng paghanga ba?
Si JP ay inadd ako sa facebook at doon ko unang nasilayan ang mala anghel nyang muka na hindi ko din naman masyadong pinagaksayahan ng oras dahil sa isip ko’y walang chance na kausapin ako ng taong ito.
Hindi ko talaga siya kilala at may common friends lang pala kami na lately ko nalang din nalaman. Pano kami nagkakilala? Ayun nga.
Merong naganap na activity dati kung saan tumakbo kami ng bonggang bongga para kay Pepe Rizal. Kung iisipin ko ang mga pangyayari ay natutuwa ako dahil simple lang ang dahilan kung bakit pala ako masaya ngayon.
BAYONG.
Yan lang ang dahilan. Bayong.

Anong meron?
Kasi merong mga freebies na pinamimigay nun. Tipong mga gamot, pagkain, ballers etc.
Edi pag tapos ng fun run, bumalik kami doon sa pinaka base namin na kung tawagin ay ANC, dahil andoon ang mga gamit namin. Nagkukulitan at nahihintayan at nagiisip kung uuwi na ba, nang biglang may nagtanong. “Nakakuha na ba kayo nung bayong? Sayang din yun, madaming laman oh”
Kami naman, dahil pagod na, gutom at tinatamad na talagang pumila eh nagdadalawang isip. Hanggang sa kapipilit, eh napilitan ako.
“Tara na nga!”
Ayun, naglakad kami ulit at naki-pila (sumingit) sa mga kumukuha. So dala ang bayong, bumalik kami sa ANC at doon nagpasiya nang umuwi. Nag punta ako sa CR at pagkatapos, nagpalit ng ibang t-shirt dahil pawis na pawis na ako nun at mukha nang basura :) Punas punas na nga lang at wala nang retouch retouch dahil nanlalagkit na ako nun para mag make-up pa. Gusto ko lang talaga umuwi nun dahil wala pa akong almusal! Paglabas ko ng CR ay may nakasalubong akong grupo ng mga lalaki na mag si-CR din. Hindi ko naman sila pinapansin dahil hindi ko naman din sila kilala, at sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa kanila dahil hawak ng iba ang mga mata ko noon.
Meron pa ngang nagsabi sa akin ng “Goodmorning” yun, nginitian ko lang siya ng bahagya. Ayoko kasi ng tinatawag ako ng “Hi Ate” or “Idol!” at lalong lalo na ng “Pssst!
Kaya pag may nagogoodmorning sa akin ay nginingitian ko.
Nang matapos ang ilang minuto at kami ay nagpasya nang umuwi ng mga kasama ko, nandoon nanaman ang nasabing grupo ng mga lalaki sa may gate at nagtanong yung bumati saakin
“GIP ka din? Kelan ang closing nyo?” 
Ang sagot ko naman ay, “Oo. 29 ata?” Hanggang sa makalagpas na kami sa kanila at may pahabol pang “Anong pangalan mo?”
Na sinagot ko naman ng
“Bruno!”


Badtrip pa nga ako noon pagkauwi kasi sabay ako hinatid nung dalawa. Pero ibang kwento naman yun :) Hindi ko namalayan, may pina-plot na pala si God sa taas na isa nanamang kwento sa buhay ko, na ngayon nga’y nababasa nyo.

May iba’t ibang taong nagttext sa akin nang mga panahong iyon. Minsan ka GIP ko, minsan kaibigan ng ka GIP at minsan secret admirer daw na ayaw magpakilala.
Pag nasa mood ako e kinakausap ko naman sila dahil sabi nga ng mama ko e miss friendship ako.
Kaibigan lang naman, wala namang masama. Pero pag bigla akong sinabihan ng I Love You, ay patay na. Nilalayuan ko na dahil hindi ako naniniwala sa ganon kabilis na pangyayari.
May nagtetext pa nga saakin na sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko siya mareply-replyan. Nasa sent items naman? Lagi lang siya nangangamusta at biglang sabing “di ka naman nagrereply eh..”

One time eh meron nanamang event. Usherette-usherettan ang drama ng lola mo. Aba’y akalain mong andun ulit si Mr. Goodmorning. Ilang beses nga kaming nagkatinginan eh, at sa huli ko lang narealize kung bakit familiar ang mukha nya. May picture pa nga kami e. Kasi dun ko lang nalaman na may common friend pala kami.

Fast forward eh closing na. Ito ay isang event na ilang linggo din naming pinagpraktisan. May presentation ang anim na district ng Manila na kasali sa GIP tungkol sa iba’t ibang konsepto at pang lima kami nun. Aba’y akalain mong nandun ulit si Mr. Goodmorning. Pero by then eh nakapagtext na kami at nagkalinawan na ng kaunti. Natapos ang lahat lahat ng presentation at biglang tinawag ako ng isa kong ka GIP at tinuro ang dalawang lalaking asa motor sa labas ng court. Mga kaibigan niya kasi yun. Sabay tanong “May boyfriend ka daw ba?” na sinagot ko naman ng “Wala” Si Mr. Goodmorning pala ang kausap ko at hindi yung isa. Medyo madilim kasi sa labas ng court at hindi ko masyado napuna. Napansin ko lang nung sumagot sya sa ng “Eh bakit sa facebook mo?” 
Napaisip naman ako dahil single naman talaga ang status ko doon matagal na, siguro ay yung mga nag po-post lang sa wall ko. Ayun, hanggang sa natapos ang kwentuhan at kami ay naguwian na.

Yan ang kwento.
Yang ang kwento ni JP.
Sino si JP?
Hindi siya si Mr. Goodmorning na lagi kong nakakakrus ng landas.
Nung may fun run at nakasalubong ko ang isang grupo ng mga lalaki, katabi siya nung nag goodmorning sa akin. Hindi ko siya napansin pero ayon sa kanya, doon niya ako unang nakita. Siya pala yun.

Nung tinanong ni Mr. Goodmorning ang pangalan ko na sinagot ko ng “Bruno” siya pala yung sumigaw pabalik saakin ng “Ako si Mars”, hindi ko ulit sya napansin. Siya pala yun.

Nung nag closing kami at nakaupo ako sa bandang likod at nandoon si Mr. Goodmorning sa tapat ng stage, kahelera ng upuan ko, andun din pala siya. Katapat ko mismo. Nakita niya daw ako ulit, Hindi ko parin siya napansin. Siya pala yun.

Nung may dalawang lalaking nakamotor sa labas court ang kumausap saakin, doon, nakita ko siya. Nakita ko siya pero hindi ko binigyang pansin dahil una, kaibigan siya ng Mr. Goodmorning. Pangalawa, hindi naman siya ang kausap ko. At pangatlo, Hindi ko siya kilala. Siya pala yun.

At nung mag nagtetext na saakin na hindi daw ako nagrereply, aba’y di ko akalaing Globe pala siya kaya’t kahit nasa sent items e hindi naman pala talaga nasesend ang text ko sa kanya. Siya pala yun.

At nung may nagchat sa akin, na di ko din naman masyado ineentertain pag di ko kilala ay medyo inisnob ko pa at nagmadaling nag bbye. Siya pala yun.

At yun ngang nabanggit ko simula’t simula pa lang na nagadd sa akin sa facebook, na mala anghel na hindi ko na pinagtuunan ng pansin.. Siya pala yun.

Si JP.
Ilang beses na pala kami nagkita ng di ko namamalayan. Ilang beses na pala kaming ngkrus ng landas ng di ko alam.

At ngayon nga, eto sya. Katext ko, at kausap gabi-gabi. Ang nagbibigay ngiti sa labi ko sa mga oras na ito.
Alam kong hiram ko lang si JP, dahil sa madaming rason na ibabahagi ko din sa inyo sa susunod na post ko.
At alam kong, maaring mawala din siya o magsawa, pero sa ngayon. Hinahayaan ko lang ang sarili kong magenjoy at magsaya at tumawa at kiligin at mahulog paunti-unti sa kanya.

Sabi nga nila ang pag-ibig ay parang ulan.
Ang sarap magpaulan diba? Kahit alam nating sa huli, magkakasakit tayo.

Nagiisip parin,

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s