Tula La

Bakit mo ako nakita?
Bakit nakasalubong pa kita?
Ba’t pa nakilala?
Ba’t nahulog pa sayo sinta?


Bakit binalikan ko pa ang bayong sa pila?
Ba’t di nalang nagbihis agad, at umuwi, at nauna?
Ba’t naman ginulat mo ang puso kong nagpapahinga?
Bakit naman dumaan ka pa sa puso ko sinta?


Bakit ngayon ay hinahanap hanap na kita?
Bakit di makatulog hanggat di naririnig ang ‘yong tawa?
Ba’t sa lahat ng oras sa utak ko palakad-lakad ka?
Bakit ngayon, ikaw ang laman ng aking tula?


Madami pang tanong, gusto pa kitang makilala.
Ngunit bakit tila ako’y naduduwag na.
Bakit pakiramdam ko ngayon ay baliktad na?
Puso ko’y hubog sa metal, pero bato balani ka pala.

-Cherry F.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s