Mahal Na Ata Ang Bigas

Alam mo yung pakiramdam na masaya ka? Yung tipong hindi mo na kailangan magisip. Tipong hindi mo na kailngan bigyan ng rason kung bakit siya. Tipong wala kang pinoproblema? Kasi wala kang pakialam sa kahit anong bagay na konektado dito?

Yung kahit pagod ka at lasing pa, nakaya nyo magusap hanggang 4am.
Yung tatawagan ka nya tpos sabay lang kayo ngssoundtrip hanggang antukin.
Yung gigitarahan ka nya at kakantahan.
Yung kukulitin nya lahat ng tropa nyang di ka kilala para itext ka ng happy birthday.
Yung boses niyang bagong gising.
Eto malupit. Yung binuksan nya ang tumblr mo kahit ngayon lang nya narinig ang tungkol dito dahil gusto nyang malaman ang lahat ng tungkol sayo.
Yung hindi siya nahihiyang ipaalam sa iba na mahal ka niya.
Yung lagi ka nyang pinapatawa. At ikaw, kahit di naman nakakatawa, di mo alam ba’t tuwang tuwa ka.
Yung bigla kang ngppost ka sa tumblr at blogger at twitter (Konek konek eh) ng mga rason kung bakit ka masaya.
Yung pagkagising mo hanggang pagtulog mo, siya.
Yung hindi ka na nalilito.
Yung kaya mo ng sabihin sa isanglibong nakapalibot sayo na tapos na ang laban.
Yung handa ka na masaktan.
Yung handa ka na tumaya.

Yung sobrang takot na takot ka mahulog ng tuluyan sa kanya kasi alam mong iba sya, na pwede ka nyang masaktan ng sobra sobra. At dahil dun, kahit gusto mo nang masabi sa kanya na “shet naman, bat mo hinablot ang puso ko ng walang paalam??”
Ay hindi mo magawa.

Mali ang sinasabi kong hindi ako basta-basta na-ffall. Kasi ang totoo, madali akong mafall sa isang tao. Hindi naman kasi ako humahanap ng taong perpekto.
Siguro, hindi pa lang dumadaan ang tamang tao.

Alam mo yung boooom! Yun na.
Ganon. Ganon yung feeling.

Hayy.
Para kong itataya ang isang milyon sa kara-krus.
Natatakot ako. Ng lubos.
Kung takot ka sa clown, o sa rides, o sa gagamba,
Sampuin mo yun, ganon ako natatakot.

Gusto ko man ibalik sa kanya lahat ng efforts nya at pagmamahal, parang diko kaya :(

Hayyy.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s