Gabing Malumbay at Umagang Walang Gana

Habang iniisip ko kung isusulat ko ito sa salitang tagalog o ingles, sisimulan ko na muna sa aking native tongue.

Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Hindi talaga. Hindi physically eh. Wala na nga ang ubo ko sa wakas!
Hindi maganda ang pakiramdam ko emotionally.
Ganito kasi yan.
Umalis ako kahapon kasama ang mga bago kong kaibigan mula sa GIP. Kwento ko sayo ang tungkol dun sa
susunod. SO ayun, nag outing-outingan kami. Kumain, nauhaw, nagsaya, nagkwentuhan, nagswimming malamang, ayun nag bonding kami. Hanggang gabi yun, mgkakasama kami. Saya nga eh :) Iba nanaman naaalala ko tuloy. Balik tayo. Edi ayun na, sobrang pagod kagabi at antok, tapos paguwi ko samin, wala naman, wala namang nagalit sakin or anything, pero syempre may narinig akong mga bagay-bagay nung paakyat ako sa kwarto.

Nagaalala sila kung baka ano daw ang mangyari sakin kasama sa mga bago kong kaibigan. Hmm, naiintindihan ko naman ang side nila eh. Naiintindihan ko talaga, Babae ako, dalaga, maganda, sexy, HAHA!:) Kidding aside, alam ko naman ang kanilang pagaalala sa kalagayan ko ganun ngang babae ako at gabi na nun 10pm (aga-aga pa eh) tapos may mga kasama din kaming mga lalaki na hindi pa nila ganun kakilala at uminom pa kami. kahit sino naman magaalala dahil sa mga nabanggit kong factors diba?

Pero yung side ko kaya, naiintindihan din nila?
1. Maliit lang ako, pero matanda na ako. Alam ko na ang kaibahan ng tama sa mali at alam ko ang mga limitasyon ko.
2. Hindi ako tanga. Kinikilala ko muna ang mga taong sasamahan ko lalo na kung alam kong gagabihin ako kasama sila or pupunta kami sa malayo at lalo na kung magaaliw-aliw kami.
3. Hindi naman ako sasama sa mga taong alam kong hindi mapagkakatiwalaan! At lalong hindi ako nakikipaginuman sa mga lalaki na ako lang ang babae! At lalong hindi ako nakikipaginuman na tipong gumugulong na ako pauwi! At lalong hindi ko iniiwan ang inumin ko dahil alam kong iniisip ng mga matatanda jan yung eksenang iiwan mo ang inumin mo tas lalagyan ng gamot, paginom mo eh mahihilo ka tas marrape kana. Hindi po mangyayari yun dahil – shotglass ang gamit namin. Chos. Pero hindi nga talaga. Dahil nga sa sinabi ko sa #2. Hindi ako tanga.
4. Kung hindi nila maisip ang mga iyan, simple na kang eh, Gumraduate naman ako ng kolehiyo sa loob ng apat na taon at pinasa ko naman na ang isang napakahirap na board exam na halos wala pa sa kalahati ang pumapasa, dun nalang eh. Muka pa bang di ko ginagamit ang utak ko nun?
5. Sa buong buhay ko, kailan ba ako naguwi ng sakit ng ulo sa pamamahay namin? Kelan ako ngguidance at napacall parent? Kelan ako na suspend, na kickout? Kelan ako umuwing buntis? Hindi naman sa minamaliit kita dahil nangyari sayo yung mga nabanggit ko, ang sakin lang ginawa ko namang wag silang bigyan ng kahit anong problema, ano pa ba ang hinihingi nilang assurance?

Ito lang naman yan eh, iba ang pagaalala sa pagkawala ng tiwala. Iba yung pakiramdam nang may nagaalala sayo kesa sa pinaghihigpitan ka.
Jusmiyo, ilang taon na ako? 22 na ako sa 18 (Dalawang araw nalaaaaang!:D) Pwede na nga ako magasawa eh! Pero ganun pa din.

Alam mo ba ang kaibahan ng:
“San ka na? Gabi na, umuwi ka na.”
sa
“San ka na? Gabi na, kumain ka na ba jan? Magiingat ka”

Ano sa tingin mo?

Na didisappoint lang talaga ako. Tiwala lang naman sana, kahit kaunti, kahit kapiranggot, kahit katiting, kahit butil, kahit pagpapanggap na lang.
Konting tiwala lang sana.

Kaya madaming batang nagrerebelde, nagsisikreto at nagugulo ang buhay kasi minsan dahil na rin sa mga tao sa bahay nila. Hindi sa binibigyan kita ng rason para sisihin mo ang tao sa bahay niyo ah. Kasi nasa kabataan na rin yan kung talagang binibigyan nila ng rason ang pamilya nila para pagkatiwalaan sila, na sa posisyon ko naman eh oo.

Sa mga magulang diyan o kapamilya, simple lang naman yan eh, kung ayaw mo magsikreto sayo ang isang bata, wag mo syang husgahan. Maging open ka sa ideya nya, sa mga ikkwento nya, sa mga karanasan niya. Kasi dumaan ka din dyan eh. At sa kanya, lahat ay bago, first time nya pa lang mararanasan. At andyan ka hindi para pigilin yun. Andyan ka para gabayan siya.
Pag once nakita ng bata na mapagkakatiwalaan ka pala, makukwentuhan ka din pala. tuloy-tuloy na yun eh. At magiging open din siya sa input mo. Magiging open din siya sa advice mo at lalo mo syang matutulungan magdesisyon ng tama sa buhay. Di ba?
Magtanong ka at buksan mo ang tenga mo, at pagkatapos chaka ka mag guide. Alam kong nagaalala ka, alam kong habang nagkwkwento sayo ang bata e anu-ano nang eksena ang tumatakbo sa utak mo.
Pero pilitin mong huwag syang iblock kaagad kasi biglang titiklop yan na parang makahiya, at hindi ka na makakapasok ulit. Saan ngayon kukuha ng advice yan? Saan sya huhugot ng guidance?

Nalayo nanaman ang utak ko.
Tiwala lang. Konting tiwala sana. Minsan kasi sobra na eh, may breaking point din naman ako. Nasasaktan din ako.

Emot-emot,

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s