Heto nanaman.

May mga taong sadyang paasa. Tipong hindi naman nila gusto, e hinahayaan lang nilang mahulog sa kanila yung tao.
Pero ang hindi naman yun ang punto ko sa pagsulat nito. Ang punto ko ay isa ba ako sa kanila? Nitong mga nakaraang araw ay nalulunod na ako sa pagmamahal ng mga taong nasa paligid ko, bagong kilala man o hindi.
At kahit hindi nila hinihingi na mahalin ko din sila ay pinapakita parin nila at sinasabi ang kanilang nararamdaman. Hindi sa gusto ko lang ng atensyon, kundi dahil hindi ako manhid at sadyang nahuhulog narin ako sa kanila.
Kanila.
Hindi naman pwedeng mahulog sa madaming tao ng sabay sabay diba? Mayroon at mayroon pa ding isa dyan na nangingibabaw.
Ikaw ba naman ang pag sabihan ng “mahal kita” parati. Lunurin sa kasweetan at kabaitan. Hindi ka ba lalambot?
Alam kong hindi pwede, dahil sa mga iba’t ibang personal na dahilan (tulad na lang ng edad!:D), pero hindi ko pa din mapigilan.
Ang hirap kasi iccontrol e. Hindi naman kasi yun utak.
Lagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na hindi ako pumasok doon para makahanap ng taong mamahalin. Iba ang goals ko ngayon at hindi ako nghahanap nag nobyo.
Siguro ay hihintayin ko na lang na matapos ang dalawampung araw para malaman ko.
Madalas kasi, tumitigil naman yun pag hindi na kayo nagkikita e.

Nagmamasid,

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s