Isipin Mo

Isang segundo, Dalawang segundo, Tatlong segundo

Marami kang gustong gawin

Maraming plano

Maraming pinagiisipan pa

Maraming pinagdududahan pa

Ilang oras na ang binigay sayo para mabuhay dito sa mundo?

Sa loob ng ilang oras na iyan

Ilan ang nilaan mo para sa mga gusto mong gawin?

Sa mga plano mo?

Sa pagiisip?

Sa pagdududa?

Ilang oras na ang nasayang mo?

Sa pagsisisi?

Na sana ginawa ko?

Na sana di ko ginawa?

Ang buhay ay isang malaking silid aralan

Madaling matuto

Pero kung hindi ka naman papasok

Hanggang grade 1 lang talaga ang maabot mo

Kailangan meron kang gawin upang matuto

Kung gusto mo gawin ang isang bagay

Gawin mo

Ngayon na

Dahil hindi ka hinihintay ng mundo

Umupo ka man dyan at magisip

Patuloy itong iikot

At tuloy tuloy pa rin na nauubos

Ang oras mo

Ilang oras na lang kaya ang binigay sayo para mabuhay dito sa mundo?

Isang segundo, Dalawang segundo, Tatlong segundo

Isipin mo

-Cherry F.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s