The One

Minsan naisip ko na din kung bakit di pa dumadating si the one. Ang lagi ko kasing sinasabi sa mga kaibigan ko, eh wag mong hintayin, darating din yan. At mas magandang wag mong hanapin kasi pag hinahanap mo, lalong di mo makikita. Tama ba? Tapos naisip ko, hindi ko naman sinusunod ang sarili kong payo. Di ko namamalayan, hinihintay ko na pala siya. Iniisip ko kung nabuhay kaya sa mundong ito ang taong para sa akin, o baka naiabort at sa next life na raw kami magkita. Sayang naman? Hindi mo ba naiisip yun? Kung ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Natutulog na kaya siya o gising pa? Nasa gimick? Nagaaral? Nagtatrabaho? Nasa presinto? Nasa kamay ng kanyang minamahal? Okay lang naman sa akin kung ganun nga. Kasi naniniwala akong experience is the best teacher. Bakit ko nga ba naiisip ang mga ganitong bagay? Ah yun. Mabalik tayo, naiisp ko minsan kung bakit di pa dumadating si the one.. Tapos maaalala ko, handa na ba talaga ako sa isa pang sakit ng ulo at relasyon? O baka nalulungkot lang ako? Sabi nga nila eh love when you’re ready not when you’re lonely. Baka nabobored na ako? Di kaya dapat kumuha nalang ako ng aso? Hindi ko alam bakit ba pumapasok sa utak ko ang mga ganitong bagay sa mga ganitong oras.

Sabi nga nung nabasa kong movie quote
“Do you really want to love? or do you just want to feel that you are loved?“

(June 20, 2011)

 

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s