The Heat IS On

Ano naman kayang kamalasan ang bumalot sa aking araw kanina? Nagising ako ng maaga para bumili ng dog food sa Onyx. Tapos maiuwi ng kapatid ko ang nasabing dog food ay naghiwalay na kami ng landas. Ako ay nagpatuloy kasama ng kaibigan ko sa isang ospital para magpasa ng requirements. Inaaashan kong wala na akong gagawin maliban doon at maaga ako makakauwi. Ngunit hindi. Sarado na daw ang application kaya umuwi akong luhaan. Joke, hindi pa ako umuwi. Nalaman kong, kailangan ko pala ng recommendation letter galing sa Dean. Hala -_-

FACT: Ayoko sa lahat e bumabyahe ng malayo. Lalo na kung mag-isa.

So nagbus ako at fx para makarating sa aking paroroonan: Sa kabilang dako ng mundo.
ro syempre bago yun, kmain muna ako dahil inabutan na ako ng lunch. Malamang ay sarado ang offices sa school ko.

Nagpunta ako sa Tokyo Tokyo. Sa dami ng tao, e pipila ka pa talaga muna, hawak ang iyong number, para sa mga mesa na mababakante. Ilang minuto e nakaupo na ako. Syempre matagal ang service. Ayos lang dahil nakasuksok naman sa tenga ko ang aking headset AT nasa harapan ko ang tarpaulin ng ARTS at andoon naka pose si Sir Deblois ☺ AT may dalawang gwapo akong nasisilayan sa aking kinauupuan. Ka schoolmate ko sila, pero hello? Isang taon ang tanda ko sa kanila, at mukang first year pa lang sila. Bakit? Dhil kumakain silang tatlo sa Tokyo Tokyo. Ewan ko lang sa inyo pero pagkatapos ng first year e sa tingin ko nadisukbre na dapat nila ang maka karinderya na nakakalat at nakatago sa paligid ng aming mahal na eskwelahan.

Pag katapos e pumasok na ako sa aming school at doon nakita kong bago na ang buildings. Malamang ay ibinalik na ang mga Nursing students sa Nursing building na noon ay nakikisikik sa Law Building. Siguro ay bumaba na ng husto ang enrollees ng Nursing dahil noon pa mang bago ako gumraduate e paunti na ng paunti ang kumukuha ng naturang kurso.

Nagpunta ako sa 7th floor at nalaman kong kailangan pa pala magbayad at gumawa ng letter or request kung kaya, ito na, totoo na. Umuwi akong luhaan.
Di naman, pagod lang.

Pero eto.

May nakasabay akong matandang magasawa sa jeep sa Nakpil. Aba’y nakakatuwa dahil si lolo e may manners pa. Sila kasi ang nasa unahan ko, pagkatapos sumakay ni lola ay pinauna akong pasakayin ni lolo.
Hay! Nasaan na ba ang mga ganitong lalaki ngayon?? Ang mga lalaki ngayon e makikipagunahan pa sayo sa jeep. SUS!
Sa jeep ay nakapatong ang kamay ni lolo sa braso ni lola, at pagbaba nila ay syempre ginabayan ni lolo si lola sa pag baba ng jeep.
Haaaaaaay ☺
*Insert Song: ‘Lo! Mabuti pa kayo ni lola, Namulat sa matitinong uso. ‘Lo! Kahit baduy kayong pumorma, Kay lola ikaw lang ang nauna* ☺☺☺

Minsan talaga ay nakakatuwan nlang makakita ng mga ganun. Tapos, mapapadasal ka nalang ng “Lord, sana ako din”
Pag talagang nakita mo na e nakita mo na eh no?

Nakakapagod at napakainit ng araw, pero ayus lang. Lahat naman eh may kinahantungan.
AT AT AT. Na verify ko na pala ang PayPal ko :D
Kaso baka sa Thursday ko pa siya magawa dahil may lakad ulit kami bukas at sa Wed ay may dentist kami ng aking kapatid.

Grr. Wala akong picture para sa post na ito.

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s