Kaluluwa ng Nakalipas

Nandito kami ngayon ng kapatid ko sa aking alma mater. Bumibili siya ng libro at nakapila habang nakaupo ako dito at nag mumuni-muni, inaalala yung mga araw noong nagaaral pa ako dito. Anim na taon na ang lumipas at marami nang nagbago sa school ko noon, pero andito pa din yung mga kakilala kong mga teachers na paminsan-minsan ay dumadaan sa harap ko, na di ko naman malaman kung babatiin ko ba. Sa tingin ko naman e naaalala nila ko dahil yung ibang teachers ng kapatid ko e kilala pa ako. Pero ewan ko. Noon ngang tacher ko pa sila e hindi ko sila binabati e, ngayon pa. Ayoko mang maging madamdamin e diko maiwasang magdrama ang utak ko at makitang unti-unting naglalaho ang mga tao sa paligid ko at makita ang mga kaibigan ko sa tabi ko. Naka uniform kami at naglalakad sa kung saan-saang parte ng school. Hinihintay ang oras ng next subject. Sa taas ay nandoon ang classroom at gamit namin. Nandoon din ang iba naming classmate na naghihintay ng guro. Sa utak ko ay para kaming mga multo na naglalakad sa iba’t ibang lugar sa iisang pagkakataon.
Kahit pa wala pang pasukan sa eskwelahan naming ngayong unang Lunes ng Hunyo, kaming mga kaluluwa ng nakalipas ay patuloy na gumagla at nabubuhay sa aming paaralan.

Ang drama mg utak ko no?:)

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s