3 Filipinos in China's Death Row

Nakakalungkot ang balita tungkol sa tatlo nating kababayan na bibitayin sa China.
Hindi ko alam kung ano ang tunay na pangyayari, kung talaga bang alam nila o hindi kung ano ang laman ng mga bagahe, pero mukang kapanipaniwalang wala silang malay sa mga nangyaring ito. Katangahan? Mabilis magtiwala? O sadyang wala lang talaga silang pwedeng magawa?

Hindi na bago gawaing magpauwi ng mga padala o magpasabay ng mga gamit sa mga taong papasok at palabas ng bansa, lalo na’t kakilala at kaibigan mo naman talaga ang mga taong ito. Hindi rin naman posibleng ipabulatlat mo pa sa kanila ang laman, o kaya’y ihanda nila ang bagahe sa harap mo mismo. Tulad nga ng sinabi ko, kaibigan mo naman sila. Pero siyempre meron din namang mga pagkakataon na hindi ka makatanggi, katulad na nga lang ng nasa balita na boss mo ang humihingi sayo ng pabor.

Dahil OFW din ang mama ko, naramdaman ko ang hinagpis ng mga kapamilya ng tatlong OFW sa balita kanina. Iyong mga taong wala nang ibang hiniling pa kundi maiahon ang pamilya, makapagpadala ng pang araw-araw na pangkain at makapag patapos. Yung mga taong tunay na nagpupunyagi, sila pa ang naipit. Gumawa sila ng paraan, isang malinis na paraan para maabot ang mga pangarap nila, sila pa ang mapaparusahan.

Pero ang mga taong walang ginawa kundi magpakasasa sa yaman, magpakalulong sa droga at gamitin ang pera upang patakbuhin ang mundo, sila ang mga malayang nakakapaglakad sa kalsada. Kung ilalagay mo ang isang kutsarang asukal sa gitna ng mesa, lalanggamin at lalanggamin ito. Kahit anong pilit mong punasan at patayin, ang mga maliliit na insekto, kung hindi mo naman tatanggalin ang kutsara ng asukal na ito, walang silbi ang mga ginagawa mo.

Kung mayroon mang magandang maidudulot ang pangyayaring ito, ito’y hindi ang makontrol o mabawasan ang pagkalat ng droga. Ito’y hindi para maging babala sa mga gumagawa o gumagamit ng droga. Ito’y walang kahit anong koneksyon tungkol sa droga. Ang tanging bagay na makukuha ng bawat Pilipino sa pangyayaring ito ay ang maging maingat at alerto sa mga gamit ipapadala sayo. Na maging mapanuri sa mga taong hihingi sayo ng pabor at magkaroon ng pagiisip kung paano mo masisigurado ang sarili mong kaligtasan. At, kung ako ang tatanungin, napaka eksaheradong paraan ang pagbitay sa tatlong tao para lang matutunan ang maging maingat.

Mababawasan ba ang nagtutulak ng droga? Hindi.
Mapapadali ba ang paghuli sa mga malalaking sindikatong nasa likod nito? Lalong hindi.
May magagawa ba ang hatol na ito para sa ikabubuti ng mga nakararami?
Siguro, sa ngayon, Oo. Dahil napigilang maipaabot ang mga droga sa mga taong naghihintay dito.
Pero sa kabuuan at sa tinagal-tagal? Kayo nalang po ang bahalang humusga.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s