Reblog if you love God?

Anong nakukuha niyong kasiyahan sa pagrereblog ng

Reblog if you love God?

Wala namang tumblr si God. Alam ni God ni mahal ko siya, ireblog ko man o hindi. Tama naman diba? At tuwing nagdadasal ako, nararamdaman ko na may direct line ako sa langit.

Makasalanan akong tao. Hindi ako palasimba. Hindi ko din lubusang maintindihan ang konsepto ng rosaryo. Hindi ako naniniwala sa mga rebu-rebulto at hindi ako nagbabasa ng bibliya.
Pero madasalin ako.

Narinig at nabasa ko din dati, na pag daw naging Katoliko ka, tanggapin mo ng buong buo. Hindi parang nasa buffet ka at namimili ng mga bagay na gusto mo lang paniwalaan.

Pero may mga bagay lang talagang hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ng tao. Ang tunay na pananalig ay nasa puso at ang paniniwala ay hindi ayon sa kung ilang beses ka nagsimba, gano ka kalakas mag dasal, saan ka nagdadasal, ilang rebulto at litrato ang hinalikan mo at kung anu-ano pang mga bagay na naimbentong gawin ng mga tao. Minsan nga eh, dun na nalilipat ang panananalig ng tao – sa mga malalaking rebiulto ng santo at ng Diyos. Minsan nga e, hindi na makapagdasal ang tao kung wala sa simbahan. Minsan, kailangan ng lakasan ang dasal para lang marinig.

Hindi ganitong pananalig ang pinaniniwalaan ko. At minsan, hindi ko din mapaliwanag sa ibang tao na “Iba ang pinaniniwalaan ko” dahil ayokong ilayo sila sa sariling paniniwala nila.
Hindi lahat ng relihiyosa may totoong pananalig at hindi lahat ng may totoong pananalig ay relihiyosa.

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s