Practice lang. Walang masakit sakin. Bangs lang :)

E kasi naman, madaming rason at dahilan. Pero lahat yun ay hindi naman talaga sakin nangyari :) Minsan, ayoko kasi ng may nakikita akong nasasaktan dahil nararamdaman ko din yung nararamdaman nilang sakit. Buti sana kung nababawasan yung pakiramdam nila pag ganon e. Kaso hindi. At HINDI YUN HEALTHY.  Pero ganun talaga ako.

Minsan talaga, mayroong mga bagay sa buhay ng tao na nangyayari. Nakakapanghinayang man, Nakakagulat man at hindi talaga natin inaasahan, wala tayong magagawa. Kasi lubusan akong naniniwala na mayroon talagang maga bagay na kailangang masira, para makabuo nang bagong mas maganda. – Tinagalog ko pa talaga yung quote.
Hirap kasi pag dinadaanan ng ibang tao yung napagdaanan mo dahil alam mo na kung gaano yun kasakit. At lalo pa’t hindi katanggap-tanggap ang rason kung bat nya kailangan pagdaanan yun.

Kailangang natin madapa para matuto tayo kung paano bumangon. Para magkaron ng mga peklat na magpapaalala sa atin kung gaano pala tayo kalakas. Sa aking mahal na kaibigan, kilala mo naman kung sino ka..

Noong mga panahon na kinailangn ko ng lakas at saya, sa profile mo ako dumadalaw dahil natutuwa ako sa katamisan niyo at gumagaan ang pakiramdam ko pag nakikita ko kayong dalawa. Actually, nagsimula ako maniwala ulit sa tunay na pag-ibig dahil sa inyo :)  At alam kong marami talaga ang makakaramdam ng lungkot. And masasabi ko lang, andito lang kami, ako, kung kailangnan mo ng kasama mag tanga-tangahan ulit :) AT alam kong hilaw pa at bagong graduate ka lang kaya malungkot pa, pero gusto ko din sabihin na hindi porket natapos na ang isang bagay ay hindi na ito nangyari. Alam ko na totoo ang namagitan sa inyo, at masaya ako dahil alam ko kung gaano ka naging masaya noong mga panahon na yun. Ika nga, Don’t cry because it ended. Smile because it happened.
And at least, maaga pa napatunayan mo na. Diba? I know strong ka. Lalagpasan natin to at magroroadtrip tayo kahit walang sasakyan, basta may Coleman.
Hey, I love you, I love you, I love you :)

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s