Sakiting bata.

Sinisipon nanaman ako. Kanina pa ako nakatambay dito sa kwarto ng akong lola. Kasi malamig dito at hindi maalikabok.
May ginagawa kasi dun sa tabi ng kwarto namin kaya di ako pwede magtagal dun.
Nagrarason pa ako, e maalikabok naman talaga ang kwarto namin kahit walang gumagawa. Haha :D

Pinapanood ko kanina ang Azkals sa Studio 23. Tapos ineexplain ko pa sa lola at lolo ko kung ano nang nangyayari :P As if alam ko ang rules ng football!:D Basta alam ko pag nakagoal may point. Tapos. :D
Nabored na ako e.
Di kasi ako mahilig sa sports. Maliban na lang kung gwapo yung players :) Kaso malayo yung camera sa football so…
Ang sports na pinakagusto kong magets e yung baseball. Siguro pag natutuhan ko yun, masaya na ako at gaganahan na ako manood. Syempre di ako nanonood dahil hindi ko naman maintindihan -_-
So bakit ba ako nagkukwento ngayon dito. Hindi ko na nga masyado mabasa yung tintype ko dahil malayo ang screen at wala akong salamin.
Pero nagkkwento parin ako :P

Ah! Kasi nagsasayang ako ng oras dahil hinihintay ko yung kapatid ko. Gusto ko kasi manood ng movie. Nakapagdownload ako ng 17 movies in 3 days. Not bad :)
Kaso, bawat mapili ko e gusto ko mapanuod namin ng sabay. Kaya ngayon ang naiiwan nalang na choices ay horror movies :(
Ayaw nya kase. Ako naman, ayaw ko din ;)) Pero gusto ko panoorin. What the?
Naalala ko exam week pala nila -_-
So madami-daming horror movies pala aabutin ko nito?

Magpapahinga na ako, tumatakbo nanaman yung ilong ko.
-Che

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s