Guess what? Gusto ko ng bagong theme!
Sinasabi ko na nga ba eh. Tatlong araw ko pa man din pinaghirapan yung kauna-unahang theme ko tapos papalitan ko na agad. Haha :))
Heynako Che.

Nakita ko kanina yung planner ko na green. Yung planner na parang hindi naman dahil imbis gawing planner e ginagawang diary. So naglipat ako ng birthdays at important notes sa bago kong notebook.
FACT: mahilig ako magcollect ng notebook na cute. Pero ayaw kong sulatan.
Kaso matapos kong ilipat lahat eh parang ayaw ko syang itapon. Kasi nakakatuwa dahil andun lahat yung mga nagdaan kong araw last year. Andun pa nga yung mga moments with *toooooot* Haha :D Iniisip ko tuloy kung itatapon ko ba, kokopyahin ko ba o itatago ko ba yung pages. Nakakatuwa talaga :)

Pag naaalala ko yung moments namin ni  *toooooot* e natatawa nalang ako sa sarili ko :)
Nangyari na ba sayo yun? Yung tipong hala, ako ba yun? ginawa ko yun? Nangyari pala yun?
Parang kung babalikan mo yung sarili mo sa mga oras na yun e babatukan mo yung sarili mo at sasabihin mong “HUY! Gising!”
HAHA XD

Pero okay na rin. Chaka na ako magkkwento tungkol kay  *toooooot* kung gusto nyo pati na rin kay isa pang  *toooooot* :)

Hohoho. Dami kong katang.

Bueno.
Madaling araw nanaman tayo. Di pa kasi ako inaantok -_-

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s