Bahay-bahayan.

Tapos na ako magalmusal. Naupo ako sa sala namin ng napansin ko ang ilang pirasong goma sa may mesa. Kinuha ko ito at sa laking gulat ko, hind ko na alam kung paano gumawa ng star!

Alam ko nga limang klase yun e. may star, double star, bahay ni batman, brief ni superman at yung isa nalimutan ko na. Haha :P Tama ba yun? Basta 5 yun!

Yung mga bata ngayon, marunong pa kaya mag tirintas ng goma para gawing garter sa ten-twenty? Sa totoo lang, wala na akong nakikitang mga bata dito sa labas namin na nglalaro ng chinese garter. ( E baka kasi dahil may pasok pa teh.)
Pero nakakalungkot kung totoo man nga yun.

Naalala ko tuloy..

Hindi ako batang kalye nun kaya hanggang paglaki ko e nakuha ko nang maging taong bahay lang. Bihira ako lumabas kung lalabas man e sa tapat lang ng bahay kasi pagagalitan ako ng lola ko :) Marami din akong laruan noon. May mga malalaking manika na may damit at sapatos na kung titignan ko ngayon at muka nang mga chakadoll. Dikit-dikit ang buhok, madumi at wala nang damit. (Next project?) May mga magaganda akong luto-lutuan. Yung tipong malalaki talaga at hindi kasing laki ng daliri mo yung sandok. May mga strainer pa at sabitan at kalan at mga pinggan. Yung mga dahon sa halaman ng lola ko pinipitas namin. Pati mga papel papel nagagawa naming ulam.

May sang parte kasi noon ng bahay namin na nilalagyan ng mga lumang gamit. Mezzanine ang tawag dun. Dun ang bahay-bahayan ko. Mababang space na saktong sakto sa bata. Mayroon pa yong balcony! Pag baba mo sa landing ng hagdan, mayoong space doon na kasing taas lang ng tuhod ng matatanda. Sakto saamin noon bilang kusina. May tatlo pang maliliit ng bintana yun, sa labas ng bintana ay bubong ng terrace namin.  Sa tapat ng mezzanine, sa ilalim ng maliit na hagdan paakyat sa third floor ay maliit ding space na may bintang maliit. LANGIT ko talaga yun nung bata. Para akong may tree house sa loob ng bahay. Mangunguha pa ako noon ng mga karton karton na hindi ko na matandaan kung saan nanggaling. Tapos kukunin ko yung duct tape at malalaking gunting. Yung malalaking gunting ay galing sa makina ng lola ko. Nagtatahi kasi sya – at madalas nya noon gawang ng damit ang mga manika ko ♥ Ikokorte ko yung mga karton na dibisyon ng bahay. May banyo pa yun with matching pintuan! Pagkatapos ay ibabalik ko ang gunting, at madalas ay nagtataka yung lola kung bakit mapurol na yung guting nya. Mayroon
Sa third floor namin noon ay mayroon ding balcony paikot ng bahay namin. Kinukuha ko yung mga nakatagong lubid noon. Kulay red at green naaalala ko pa. Malamang galing sa mga box ng balik bayan yun noon. Itatali ko sa – anong bang tawag dun sa mga kahoy sa kisame? Yung pinagpapatungan ng mga bubong? Yun, doon. Tapos nangunguha ako ng kumot sa kwarto ng lola ko at ginagawa ko itong swing. Matibay sya infairness! Nakakatulog nga ako dun minsan, mahangin kasi dun sa taas namin. Kaso nakabaluktot nga lang ako. Madalas nga, pag nalilimutan ko ibalunbon at iipit sa taas yung swing ko e may nagtatanggal dahil may natatalisod dun :))

Hay! Dahil nasa third floor na tayo ng bahay ay naalala ko yung bodega sa likod ng bahay namin, dun pa rin sa palapag na iyon. Bodega na sya ngayon, pero noon e space lang siya na semento, walang harang kundi yung mga hala-halaman at lumang mga kahoy. Dati, kasama ko yung pinsan kong si Michael, pagkatapos umulan-ulan, kumuha kami ng lata ng Bear Brand (endorser?) at nanguha kami ng bulate!!!!! Sa ilalim ng mga kahoy at sa mga lupa-lupa sa sahig. And dami promise! Nilagay namin lahat sa lata. Lahat ng klase ng bulate nakita ko na ata dun. May bilog, may medyo flat iba’t ibang haba, laki at minsan pati kulay. UGH. Naalala ko nanaman D: Pagtapos ng insidenteng yun ay matagal ako bago nakakain ulit ng Lucky Me (Endorser talaga?).

Imaginin mo na may bahay-bahayan ako na kumpleto ang parte ng bahay, tapos mayroon akong swing sa balcony?
Kung pwede lang bumalik at picturan. Nagbago na kasi ang bahay namin kaya hindi na nageexist yung mga lugar na yun ngayon. Pero ang sarap talaga maalala. Siguro doon din talaga nadedevelop ng mga bata ang creativity, imagination at resourcefulness nila. Yihee – nagbubuhat ng sariling sofa :) Pero totoo nga!
Kaya nga nakakatuwa ang Rugrats hindi ba? Kasi nakikita natin ang mga sarili natin sa kanila, iba ang paningin nila sa mundo. Kahit simpleng karton nagiging bahay :)

Oh, alam nyo na ang ireregalo nyo sa mga anak, inaanak at pamangkin nyo ha.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s