Anim na tao na ang tumiwalag sa ating samahan! HAHA :D

Ibig ko lang sabihin e anim na ang nawala kong tagasunod sa loob lamang ng dalawang araw kaya’t natutuwa ako.
Ay mali, pito pala, tapos nadagdagan uli ng isa.

Salamat sayo!

Alam niyo ba yung labanos na hiniwa ng manipis na manipis pag katapos nilagyan ng kamatis, sibuyas at suka? Hindi ko alam ang tawag pero yun ang ulam namin kanina. Tapos malutong na tilapaya :D~

Sayang hindi ako nakakuha ng litrato. Nawiwirduhan na kasi sakin yung lola ko dahil bawat ginagawa kong pagkain e pinipicturan ko. At sa totoo lang e mabigat yung camera para dalhin kung saan-saan. kaya nga nagdadasal akong may mahulog na iPhone4 galing langit e.

Hindi yun DSLR!

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang mga tao e hilig hilig makiuso. Hindi naman kayo photographer. Ni hindi nyo nga mabigay and diperensya ng kuha ng iba’t ibang camera. Hindi ko din alam kung ano ang nakakatuwa sa pagsabit napakabigat ng bagay sa leeg mo kung saan-saan. Sa facebook mo lang din naman ippost? Tapos icoconvert mo din naman para lumiit? Hindi naman ako nangenealam sa buhay nyo. Naitanong ko lang naman sa sarili ko ang matagal ko ng ipinagtataka.

Nagsimula sa ulam ang usapan natin eh no?

Siya. May aasikasuhin pa ako,

Siya nga pala!!!
Mayroon ba kayong alam na magagandang themes? Yung kakaiba naman yung layout ha.. Hindi yung simple lang. Yung nakakatuwa.

Lintik kahapon, naghahanap ako ng magandang URL. Gusto ko e marikit.tumblr.com
may nakakuha na daw. Aba’y nung tignan ko e wala namang post ni isa -_-

Lagi nalangggg. Akin nalang please?:/

Bueno.

-Paalam.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s