DFA.

So galing ako sa DFA at kakauwi ko lang. 1pm ako umalis ng bahay, tapos di pa ako naglunch kasi wala sa oras yung breakfast ko. Daming tao at super haba ng pila, pero okay lang naman kasi may mga upuan at aircon pa :P Dami kong pinrepare na documents para sureball, kaso dalawa lang naman yung tinignan. Okay na rin.
So ang tagal tagal ko naghintay at kalagitnaan ay nagugutom na ako, at giniginaw na ako sa aircon! at naiihi nako! Kaso ang layo nung CR nakaktamad bumaba, at siguradong mawawalan nako ng upuan pag balik ko kasi by number na yung last step.
Anyway, naghintay ako ng naghintay hanggang sa lumabas na yung number ko sa screen at pumunta na sa nakatakdang station. Syempre building rapport si kuyang nageencode. Nung kinuha na yung picture ko para sa passport, sabi ni kuya, “parang ang taray mo naman ma’am. Mataray ka ba?”
Syempre ngumiti ako at sabi kong hindi. Dahil hindi naman talaga :(
At kuya, tama bang itanong mo sa tao kung mataray ba siya? Alangan sagutin ka ng oo?
Bandang huli tinanong nya kung pano daw ako uuwi kasi binabasa niya yung application form at may address dun. Sabi ko magtataxi ako. Sa tanda ko kasing to, tanga parin ako sa pagcocommute. Sadyang diko lang alam ang sakayan dun. Sabi naman ni kuya, “madali lang naman ah? Alam mo yung ganito..? Eh yung ganito..? dun lang”
So paglabas ko sa building may nakita akong terminal. MOA, MRT-LRT. Parang alam ko na sasakyan ko. Naniwala naman ako kay kuyang encoder at sumakay sa jeep. Tutal, pauwi naman na ako at may oras pang maligaw :P
Aba, aba, aba. Naligaw ako.
Hindi ko na sasabihin kung saan ako bumaba, kasi baka ma emphasize  pa yung katangahan ko atchaka, hindi ko rin talaga alam. Hahaha!:))
Inisip kong maigi kung saan papunta yung mga jeep at yung signboards nila. Kaya sa huli, nagtaxi nalang ako :D

EH KASI NAMAN -_-

Pero okay lang din. Next time alam ko na kung saan ako pupunta :)
Speaking of taxi.

Bakit ba ang mga taxi driver, pagka oras na ng bayaran e napaka kupad kumilos? Merong bibilang-bilangin pa, e dalawang bills lang naman binigay ko. Merong titiklop-tiklupin pa ng maayos na maayos. Kahit ano, basta may magawa lang. Bakit? E kasi ayaw magsukli! -_-

Pataas ng pataas ang flat rate ng mga taxi, e padagdag naman kayo ng padagdag sa pasahero. Pag nagsukli ka ng saktong sakto parang ikaw pa yung may pagkukulang. HMP!

Pero totoo, mataray ba ko tignan?
Sabi din kasi nung mga college friends ko nung di pa daw kami magkakakilala muka daw ako mataray. Pero pramis, kabaliktaran ako ng mataray. Bait bait ko nga e.
Tahimik lang kasi ako, kaya napagkakamalang snob :(
Pero syempre nung nakilala nila ko, nagulat sila. HAHAHA :))

Osya. Tapos ko na idownload yung Sims World Adventures.

Paalam :)

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s