Imbentaryo.

Heto nanaman tayo at papalapit na ang pagtatapos ng taon. Maraming naglalabasan na pasasalamat at paghingi ng patawad. And nagiisang araw sa buhay mo na gusto mo ng mas magandang simula. Kung iisipin natin, bukas ay katulad din ng nakaraan at ng mga iba pang bukas. Ngunit dahil bago na ang taon, naghahangad tayo ng bago ding sumula. Kung itutulad natin sa Dec. 31 ang lahat ng araw, hindi ba’t mas masarap sa pakiramdam? Na kahit kailan, kagit anong oras, pwede tayo magpasiya na gusto na nating magbago, magsimula ng bago at nang mas magandang  buhay?

At tulad din ng nakaraang taon, sinabi mo na ang mga sasabihin mo ngayon. Ang New Year’s Resolution na alam mong di mo din naman magagawa, ay nagiging isang malaking joke na lang. Ngunit hindi ako nagsusulat ngayon upang mangaral.

Gusto ko lang, alalahanin ang nagdaan na taon. Nuong nkaraang taon, parehong araw, mga ganitong oras nandito din ako sa tumblr ;) at gumagawa ng mga nakakatuwang word arts. Tungkol sa pagpapahirap sa atin ng Globe, tungkol sa pagpapaalam sa 2009, at tungkol sa pagdarasal na maging mabait sana sa atin ang 2010. Kung titignan ko, madami ang nagrereklamo sa taong ito. Pero hindi ako.
Naging mabait sa aking ang 2010. At kung titignan ko, ito ang pinaka paborito kong taon sa lahat – siyempre, maliban sa 1989 :). Dito ko nakuha ang lahat ng mga dasal ko noon. Dito lumabas lahat ng sagot, dito ko naranasan ang lahat ng simula at lahat ng bago. Simula pa January ngayong taon ay natanggap ko ang mga bagay na matagal ko nang hinihiling. Iisa-isahin ko pa ba? Nakakahiya eh. :D
Pero sige.

-Ngayong taon ako nakabangon sa estado na masasabi kong matino at walang halong pagpapanggap. Ito ang taon na totoong bagong simula sa akin. Tipong isang canvas na malinis at walang bahid ng pintura. Handang tumanggap ng bagong pinta.

-Dito ko nakilala ang mga (mga talaga?) taong muling nagpatibok ng aking puso. Yes may ganon?;) Hindi pag-ibig! Malalim ang pag-ibig. Nagpatibok, literal na pisikal na pagtibok. Boluntayong tumitibok ang ating puso kahit hindi natin alam, oo. Pero ang tinutukoy ko ay iyong mga taong, may sadyang dating at hila sa iyo. Na tipong kahit malayo o kahit nakatalikod o kahit pabango o boses o pangalang man lamang nila, ay may kakayahan na pabilisin ang puso mo. Pero siyempre, hanggang doon lang iyon sapagkat hindi ko ugali ang makipaglaro :)

Balik na tayo! Okay.

-Ngayong taon ako nagtapos ng kolehiyo. Kahit hindi ko masyadong pansinin ang araw na iyon dahil may board exam pa nga kami, sa loob ko ay importante din ang graduation dahil dito nakamarka ang katapusan ng pagaaral sa eskwelahan at simula ng pagaaral ng buhay. Dito nakalahad at nakalantad lahat ng paghihirap, pagtitiis, pag-iyak, paagod, pagsuko at pagbangon, tuwa, pagtatagumpay sa lahat ng simple at kumplikadong gawain sa loob ng sampung taon. At ang pinakaimportante sa lahat, ito ang pinakamasayang araw sa buhay ng mga magulang at kamaganak dahil ito ang katibayan nang kanilang paghihirap din sa loob ng mga taong iyon. Lahat ng sakripisyo, pagiipon, pagtitipid, pawis, dugo at pagdarasal ay natumbasan na.

-Ngayong taon ako nakapasa sa board exam. Isang malaking gate sa aking buhay. Dahil ito ang unang unang pagsubok sa lahat ng pangarap ko. Naalala ko pa noon ang post ko “Dear Board exam, Malapit na tayo magtuos. Humanda ka. Hinahamon kita. sa July 3 and 4, one on one tayo. I will beat you. Kay?” Haha :D Ang yabang daw e noh. Pero yan kasi ang mga panahong alam kong hindi na ako ang may hawak ng lapis at may mas malaki at nakatataas pa kesa sakin. Ngayong taon ako nagreview at nakakilala ng bagong mga kaibigan. Ngayong taon lang ako naglaktaw ng dalawang buwan nang dahil sa stress! (Alam nyo ito mga kababaihan) at ngayong taon ko din naipasa ang nakakadugong board exam.

-At heto nga, ngayong taon ako nagkaroon ng napakahabang pahinga at pagpapakasasa at pagpapakasaya sa loob ng sampung taon. Sana, sa susunod na taon, tapos ang pagpapahinga ko ;)

Sa lahat lahat nang nagyari sa buhay ko, dito ko natanggap lahat ng blessings. at sagot ni God sa lahat ng dasal ko. Kaya’t tulad ng isang matalik na kaibigan, malungkot akong kakaway sa pagalis ng 2010. Dahil siya ang taon na sumira sa ulo ko at kumulit ang puso ko, nagpaiyak at nagpasaya sa akin ng lubos. Hindi ba’t nakakatuwang isipin na dumaan lang ang taon, ngunit madami dami din palang pagbabago ang iniwan nito sa atin. Ang iba permanente, ang iba pansamantala.

At dito, sa dulo ng aking mahabang imbentaryo ng mgahahalagang parte ng taon ko pasasalamatan ang Panginoon.

Dear God, hello! Salamat po sa lahaaaaat ng biyaya. Alam kong hindi ako karapatdapat sa lahat ng binibigay niyo, kaya po, gawin niyo sana akong instrumento para maipakalat pa sa iba ang mga biyayang ito. Salamat po, una sa lahat sa buhay, sa pamilya na kumpleto at buo, sa mga bagay-bagay, sa mga tagumpay at pagkadapa, sa lahat ng bagay na hindi nakikita at nahahawakan. Sa lahat ng tunay na kaibigan, hindi dahil sa ilang daan na aking nakilala ngunit dahil sa isang daang iyon, binigyaan niyo akong iilang tunay sa kanila. Salamat sa lahat ng pagpapatunay na andiyan kayo at nakikinig sa aming mga dasal. At, higit sa lahat, salamat po sa lahat ng tagasunod at nagbabasa ng blog ko na ito. Dahil alam ko po, na dito sa paraang ito, kasama ng talentong biyaya niyo, ko maipagkakalat at maipagyayabang ang tunay niyong pagmamahal, pagunawa at prisensya. Ako ay isang buhay na pagpapatunay na walang imposible sa isang dasal. At habang ako ay nabubuhay, patuloy ko itong ipagkakalat. Salamat po, sa taong ito. Buong puso ko po itong ibinabalik sa inyo, at sana, sa susunod na taon, isa ding masayang taon ang darating, at sa mga hindi naramdaman ang tuwa sa taong ito, sana po, sa susunod na taon ay bukasan ninyo ang kanilang mga puso’t isipan para makita ang ligaya sa lahat ng pagkakataon. Amen.

Paalam at salamat mahal kong kaibigan, 2010.

tumblr_leapu5vzzi1qa4u69o1_1280

Cherry, 2011 Edition

-Cherry Franco
December 31, 2010.

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s