Last day of classes na ngayon ng mga nag aaral pa. Nasa Robinsons kami kanina, madaming kabataan na halatang kakagaling lang sa Christmas party. Nakakatuwa at nakakatawa ang mga batang may ka holding hands. Sa isang banda ng utak ko, parang masyado pa silang bata. Pero sa isang banda, nuong ganung edad din ako unang nagmahal. Madami ang tao sa Timezone, pati na rin sa Tom’s world. Nakakamiss. Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko, e yung mga teenagers na grabe ang pananamit. Naisip ko, nung kabataan naman namin, hindi kami ganon. Siguro iba na talaga ang hatak nila Miley Cyrus sa kabataan ngayon. Hindi magandang tignan. Masakit sa mata ang mga suot nila. Di ko malaman kung tatawa ako o malulungkot. Sana, sa mga tagasunod kong ka-edad ng mga tinutukoy ko, wag kayo magmadaling lumaki. Masaya maging bata. At sana, gayahin niyo lang ang mga magagandang bagay sa mga iniidolo ninyo. At sa mga umiibig, makinig kayo sa sasabihin ko, magpakasaya lang at wag masyadong magsiryoso. Baka iyan ang simula, pero hindi iyan ang katapusan ng mundo ninyo.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s