Tula sa Tala

Walang dahilan
Saglit ka lang naman napadaan
Di ko pinlano
Nabigla din ako

Simpleng usapan
Di ko man lang namalayan
Puso ko’y nabihag mo
Nahulog na pala sayo

Masaya ang buhos ng ulan
Ang patak hatid ay halimuyak
Ako’y tulala nga at lumilipad
Ngunit ngiti sa labi ay nakatatak

Anung nangyari?
Bakit ganito?
Ano itong lihim, bat di ko maitago?
Tuluyan na ba talgang nahulog sa iyo?

Tila ika’y magnanakaw sa madilim na eskinita
Walang pasa-pasabi, pag-ibig ko’y iyong kinuha
Sa isang iglap, di ko man lang napagtanto
Ni hindi nga man lang napahinto

Utang na loob, Ika’y magsiryoso!
Di ko malaman ano ang gagawain ko.
Ngiti mo’t mga mata’y sadyang nakakahilo
Kaibigan lang ba talga ako?

Wag mong ilihim sakin tunay na damdamin
Iyong aminin at ako rin ay aamin
Wag magatubiling lumapit saakin
Wala namang mawawala, subukan natin

Ngunit kung ang pagibig mo’y sadyang wala lang
Wag mo sanang ipadama na ako’y espesyal na nilalang
Kung kaibigan lang, ako’y kaibigan
Puso ko’y wag ng saktan, linawin mo naman

-Cherry F.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s