Hinga

Nakaupo sya sa sulok.
tick, tock, tick, tock..
isang oras,
dalawang oras,
isang araw,
monday, tuesday, wednesday
isang buwan,
may, june,
isang taon,
2010, 2011,2012
Ang panahon derederetcho ang pagtakbo,
Pero di sya gumagalaw
Nakahinto ang buhay niya sa iisang araw
Paulit-ulit na binabasa ang mga salitang matagal na nyang kinatatakutan.
Hindi malaman kung maniniwala siya
Bakit ba siya natulog? Sana ‘di nalang para ‘di na s’ya binangungungot.

Takot siya dito, baka di na sya magisng
Di ‘to biro, masakit ito
Pero nakaupo siya at walng nararamdamang kahit ano
Wala ni isa
Wala
Blanko
Di nya maramdaman ang gutom
Ang init
Ang kati
Ang baho
Ang ingay
Di nya maramdaman ang sariling pagtibok ng kanyang puso
Nakatulala siya sa sahig
Pinipilit tandaan ang bawat detalye
Walng pumapasok sa kanyang isip
Di nya matandaan
Wala syang maisip
Wala talaga
Wala ni isa
wala
Blanko
Blanko
Blanko
Nakaplano na ang lahat
Bawat isang hakbang ay nakaalay na sa plano
Bakit kailngan mamamatay ng taong mahal mo kahit buhay pa siya?
Bakit kailngan niyang mawaln ng malay habang
naghihintay ka lang na bumalik siya?
Bakit kailangan mawalang ka ng signal?
Bakit mali ang mga basa mo sa signal niya?
Nakakahiya ang paulit ulit na pagpatay sa kandila na tanging nagbibigay ng ilaw
Marami kang itinira pero paano mo ito magagamit
Kung nakayukyok ka na lang sa isang  sulok
‘Di na umuusad sa iyong paglalakbay
Tulala
Aanhin mo pa ang mapa?
Aanhin mo pa ang tapang?
Aanhin mo pa ang lakas ng loob?
Aanhin mo pa ang tiwala
Ang pagmamahal
Ang pang-unawa
Aanhin mo pa ang mga pangakong walang laman
Aanhin mo pa ang mga alaala na wala namang dahilan
Aanhin mo pa ang litrato
Aanhin mo pa ang sulat
Aanhin mo pa ang lahat
Aanhin mo pa ang lahat
Aanhin mo pa ang lahat
Aanhin mo pa ang kahit na ano?
Wala
Wala na
Wala ka ng gagawin
Wala ka ng gagawin
Titigan mo ang ulap baka may sagot
Bigyan mo ng kahulugan ang ambon
Bigyan mo ng kahulugan ang kahit na anong makita mo
Pero wala ka ng gagawin
Wala ka ng magagawa
Wala na
Walang laman
Walng pakialam
Walng maisp
Walng maramdaman
Walng alam
Walng meron
Walng wala
Walang-wala
Wala
Kahit ano
Wala
Wala na

Matagal ng sumabog ang salamin sa kanyang harapan
Nakapikit ang kanyang mga mata ngunit nakadilat ang kanyang puso
Bawat hinga ng babaeng nakaupo sa isang sulok
Bumabaon at gumagasgas sa buong pagkatao niya ang maliliit na piraso ng bubog
Mahirap tanggalin
Masakit
Mahapdi
Bawat hinga
Hinga lang
Damhin ang kirot
Sabay hinga ng malamim

hinga lang..

At patuloy ang pagtakbo ng panahon
habang nakatigil ang buhay niya sa isang araw lamang.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s